Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 22. Nurse Ellie.

Wednesday
12:15 pm
Matute Clinic


I have to admit, nagulat ako ng naknock-out agad ni Sef si Ryan. Actually, nung una obvious na walang balak patulan ni Sef ang adik na boyfriend ni Meg. But what forced Sef in kicking his butt was when Ryan landed one good punch on his handsome face.

First time kong nakitang nagdilim ang muka ni Sef. He was deadly serious. Kung hindi pa dumating yung guard ee hindi pa niya titigilan si Ryan who was already coughing out blood. Nakita ko na ang brutal na side ni Sef! Buti na lang pala hindi ko siya napro-provoke ng ganun… ee lagi ko pa naman siyang inaasar.

Note to self:Magiging mabait na ko kay Sef!!

Yak! Really? Kaya mo yun? Ee kesa naman basagin niya bungo ko ng wala sa oras diba? Papano ko haharapin si John Lloyd Cruz kung warak ang muka ko nuh!!

Kaya naman andito kami ngayon sa school clinic, pumutok kasi yung labi ni Sef sa isang suntok na yun ni Ryan. I was silently seated on a chair, walang imik… bakas pa din kasi sa muka ni Sef na bad trip siya.

But what happened next was a lot worse… pumasok na si Ms. Elena may dala-dala siyang mga gamit pang linis ng sugat ni Sef sa labi. I wasn’t sure with the flow of things. Pero hindi ako tanga para hindi maramdaman na merong something na nangyari nung nagkatinginan si Ms. Elena at si Sef.

Ang tagal nung tinginan nila, and Ms. Elena was rooted on her place. Her eyes were unsure and hesitant. Sef glared at her, may halatang galit sa mga tingin niya. Ano ba ito? Bitterness?? I swallowed hard. Ano ba tong nararamdaman ko?? Parang… may something din na kumukurot sa dibdib ko!! Aaaah. EWAN!! Alis na lang kaya ako? Parang panira lang kasi ako sa moment nilang dalawa ee.

Then as if parang walang nangyari, Ms. Elena gave her usual friendly smile as she approached Sef. “Tignan ko nga yang sugat mo.” She said gently. Hahawakan na niya yung muka ni Sef, but before she could land her hands on him malakas na tinapik ito ni Sef! It was harsh. And Ms. Elena was taken aback.

Nagulat din ako.

“I…” Ms. Elena placed the tray of medicine she was holding sa kama sa tabi ni Sef. [color="#800080"]“I… may nakalimutan pala akong kunin. I’ll just…” She trailed off, turning around to leave.

I looked at Sef but he was still frowning at andun pa din yung galit niya… only this time his anger intensified. Parang mas galit siya kay Ms. Elena kesa kay Ryan. Ano kayang nakaraan nila ni Ms. Elena? Masyadong obvious ee. Bitterness pa din siya!! Sef quickly stood up sa pagkakaupo niya sa kama. Alam kong aalis na siya… pero pano yung sugat niya??

“Sef.” I called him. Kahit ako first time na hindi alam kung papaanong approach ang gagawin ko sa kanya. First time kong nakita siyang ganito. Marunong din pala siyang magseryoso ano? Kahit na nakakunot yung noo niya… hindi pa rin mapagkakailala ang kanyang ka-gwapuhan. Haiii… pero sa totoo lang… mas gusto ko pang makita yung mapang-asar niyang ngiti kesa yung ganto.

Hindi siya nagsalita, patuloy lang siya sa paglakad na parang walang narinig. Ewan ko kung bakit, pero ayoko siyang umalis!! I blocked his way bago pa siya makalabas nung kwarto. “Teka nga, hindi ka lalabas hangga’t hindi nalilinis yang sugat mo!!” I told him, avoiding his gaze. I pushed him back para umupo ulit dun sa kama. He didn’t do anything to refuse.

I stood there in front of him, not actually knowing what else to do. Nakita ko yung tray ng mga gamot na iniwan ni Ms. Elena. “Patingin nga.” I said, cupping his chin at itinaas ang muka niya para makita ko. God, he’s so handsome!Lalo na sa malapitan!! He was still frowning at tinignan niya ko. Our eyes met and I felt my heart skipped a bit. Para kong matutunaw!! Dios ko po!! Agad kong tinanggal ang mga mata ko sakanya at ibinaling na lang ang aking concentration sa lips niya – his wounded lips rather.

Pano kaya kung i-kiss ko siya? Matanggal kaya yung sakit? Hahahaha. Leche ka Ellie, lalandi ka pa!! May sugat na nga yung tao!! Linisin mo na lang para matapos na!!

I took some cotton dun sa tray and deep it in the bowl of warm water. I pressed it againt his lips, dun sa may nabuong dugo.

He winced in pain, “Alam mo ba ginagawa mo?”

Nainis ako sa tanong niya. Sorry naman hindi ako si Ms. Elena! Sorry hindi ako nurse!! Diniinan ko tuloy yung pagpunas dun sa labi niya. “Just shut up!! Kaya ka nasusuntok sa bibig ee.”

Dahan-dahang nawala yung kunot ng noo niya and he slightly smiled. “So, marunong palang mag-gamot ang mga clown?”

Clown? Ayun nanaman!! Tinawag nanaman niya kong clown!! This time, sa sobrang inis ko mas doble ko pa yung pressure na nilagay ko sa bibig niya!! He winced then again.

“Meron akong alam para gumaling agad itong sugat ko.” He then said.

“Ano naman yun?” I raised a brow curiously.

He caught my eyes. As in titig na titig siya saken and I swear to God I could have died right then and there. Yung puso ko malalaglag na!! And what completely stopped me from breathing was when he pulled me close to him. My nose almost touching his sa sobrang lapit na namin. “Kiss me.”

Hindi lang dahil sa sooobrang irresistible niya kaya may kung anong ispiritung bumubulong saken na gawin yung sinasabi niya. But there was something more about his eyes that seemed to allure me… something about his voice that was tempting me… Gustong-gusto kong gawin yun… konting lapit na lang naman ee… as in…

Pero… Ellie… you’re not Ms. Elena!!

“Aray!” Sef complained in pain ng madiin kong nilapat yung cotton na may alcohol sa labi niya.

I laughed by the way his face contorted to a painful cry. He stared at me, his face expressionless. Ganito din yung tawa ko nun nung kinurot ko si Sef dati nung nasa kotse niya kami. “Ang panget mo talaga pag umaaray!” I told him when my laughter sudsided.

“Thanks.” He said still looking at me. “Mas muka ka palang clown kapag tumatawa ka!!”

Napatigil ako. GGGRRRRR… nakakainis talaga siya!! “Bahala ka nga jan!!” I threw the cotton at his face.

“Pero…” Napatigil ako. He was smiling, yet his voice was soft, a tiny hint of sincerity in it. “Mas gumaganda ka kapag naiinis!!”

I felt my ears burned pagkarinig ko nung sinabi niya. Totoo ba yun? Si Miguel Josef Uy Monteverde, bumabanat saken?? Namula agad ang muka ko!! Hindi pwede toh!! Wag kang magpapaapekto Ellie!! WAG!!

BOLA LANG YAN!!!!

TO BE CONTINUED.