Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 23. Symptoms ng Love-Nat


Thursday
9:00 am
Matute University Hallway


GAAAH!! Late nanaman ako!! Papano, napuyat ako kagabi!! Hindi ako makatulog!! Ganun talaga ko minsan, inaatake ng insomnia!! Oo, pramis!! Hindi, actually nakainom kasi ako ng isang drum ng kape kaya halos tumambling na ko sa kama ko ee hindi pa din ako tinatalaban ng antok!! Swear!! Maniwala kayo!! Sus. Bakit naman si Sef yung iisipin ko kagabi nuh? Bangungutin pa ko!!

I was running up the stairs papuntang 4th floor when all of a sudden, sa may 2nd floor, I caught the same familiar figure of Miguel Josef Uy Monteverde staring exactly the same way like he was doing kahapon habang nakatitig sa mismong school clinic. Napansin ko agad na mejo light na marka na lang yung sugat nya sa labi. Tsk. Sigurado, si Ms. Elena nanaman ang tinitignan niya.

Gusto ko sana siyang tawagin, para mawala yung concentration niya kay Ms. Elena!! Gusto ko siyang sigawan para makuha yung attention niya para saken siya tumingin!! But then again… naisip ko… ano ba naman ang pakialam ko sa lovelife nilang dalawa diba? Panira pa ko!! Ano bang pakialam ko?? Oo, tama, buti naitanong mo Ellie… ano nga ba??

Nainis ako sa sarili kong mga tanong!! Dali-dali ko ng pinagpatuloy ang pagpanik ko sa 3rd floor, at ng pahakbang na ko sa 4th floor, dumungaw ulit ako sa may railing para makita si Sef. Napansin kong dumating si Japo at nagusap muna yung dalawa bago kinuha na ni Sef yung susi ng kotse niya sa bulsa at naglakad na siya papaalis, iniwan si Japo dun.

Pumasok na ko ng classroom, at dahan-dahan kong binuksan at isinara yung pintuan. Buti na lang good mood si Prof kaya hindi ako nabatikos sa pagiging late ko.

Para kong zombie na nakatingin sa kawalan. Nakikita kong nagsasalita yung propesor ko sa harap, pero wala akong naririnig. Grabe naman kasi si Sef ee!! So, mahilig pala siya sa mga mas matatanda sa kanya?? Dios mio naman, sa dami-dami ng nababaliw na kababaihan at bakla sakanya, dun pa siya sa halos 3-4 years ang tanda sakanya?? Tsk. Ee bakit ka nga ba kasi nakikialam Eleonor Malicsi Dimaculangan?? Mabait naman si Ms. Elena. Maganda, matalino, babaeng pilipina…and most of all Eleonor, she’s everything you are not!!

Teka teka Ellie!! Bakit mo ba ikinukumpara sarili mo kay Ms. Elena?? ANO BA’T SOBRANG APEKTADO KA??

Sandali aa. HINDI AKO APEKTADO!! Umayos ka nga Ellie!! Hindi na maganda ito… hindi na talaga… halos 24 hours ng nasa isip mo si Sef aa? Hindi na talaga tama yan!! Wag ganyan Ellie… ibalik mo na sa dati yang sarili mo!! Tama na Ellie!! Tama na!! TAMA NA!! TAMA NA!!

Hindi ko namalayan, pinapalo ko na pala yung noo ko!!

“Ellie.”

GAAH!! Ano bang nangyayari sayo Ellie? Bakit ka nagkakaganyan? TAMA NA ELLIE!! Sabay palo pa ulit sa noo! TAMA NA!! Palo pa! Hindi pwede yan!! At palo pa ulit!!

“Ellie!” Biglang may kumalabit saken sa likod. Si Jill pala. Nagulat ako. What was I doing?? Sh!T!! “Okay ka lang daw ba, tanong ni Sir.” I looked around, at buong klase ee nakatingin saken na parang ako si Sisa!!

“Ahehehehe…” I laughed weakly. “Sorry po sir!! Mejo… masakit lang po kasi ulo ko!!” Then I started massaging my head kala mo totoong masakit nga ulo ko.

“You want to go to the clinic?” Tanong ni Sir.

Clinic nanaman!! Ayoko nga dun... makikita ko pa si Ms. Elena. “Eeee…” I was hesitant.

“I’ll walk her to the clinic sir!” Itinaas agad ni Darren yung kamay niya sabay tayo mula sa upuan niya. Wala na kong choice kundi tumayo na din.

We walked silently down the stairs. Naka lipad nanaman ang isip ko!! Siguro nga, tulog lang katapat nito!

“Oi!” Darren then said, pulling me out of my reverie. “Nabalitaan ko yung nangyari kahapon aa? Ayos ka lang ba?”

“Oo naman. Buti nga dumating si Sef, kundi maga na panga ko sa sampal ni Ryan!”

“Buti si Sef ang nandun, kung hindi… hindi na humihinga ngayon yung si Ryan!”


I smiled at him. Parang nakakataba kasi ng puso yung pagkakasabi ni Darren. Yung ngiti ko parang nangaasar na ewan. “Talagaaa? Ayyiiieee… Kinikilig naman ako sa sinabi mo!! Haha.”

“Sira!” Sigaw niya defensively. Kung hindi ako nagkakamali his cheeks slightly turned red. “Remember? I made a promise to Pepita!! Baka ako pa malagot dun kapag nalaman niyang di ko binabantayan ang bestest friend niya!”

Pepita. Wow. I haven’t heard that name in ages. But the mere mention of the name gave me the uncontrollable feeling of sadness. “Kamusta na nga kaya yun nuh?” I whispered softly.

Napakamot sa ulo si Darren. “Sa susunod, lumayo ka nga sa trouble!! Kaya ka laging napagkakamalang lalaki ee!!”

Pagdating namin sa clinic, agad akong inaccomodate ni Ms. Elena at bumalik na din si Darren sa classroom.

Nakahiga na ko sa isa sa mga kama dito sa clinic. Puyat talaga ako kagabi… tae kasi si Sef ee… tama bang bumanat pa saken kahapon??

Biglang pumasok si Ms. Elena, she was beaming that friendly smile again. “Oh, Ellie.” She said standing next to the bed. “Anong nararamdaman mo ngayon? Don’t tell me, pinalabas ka nanaman ng professor mo?”

I shook my head. “Hindi po. Ee kasi…” I have no idea kung papaano pala ieexplain kung bakit ako nandito.

Ms. Elena then placed a hand over my forehead, yung ginagawa kapag gusto mong malaman kung may fever ba yung tao. She was still smiling at me ng sinabi niyang, “Naku, LOVE-NAT ata yang sakit mo Ellie.” She teased, giggling.

I bolted up to a sit. My face slowly draining out of color. Namumutla na ako. “LOVE-NAT?” I almost shouted at her in shock. May ganung sakit? Mamamatay na ba ko?? Malala ba yun?

Parang nabasa ni Ms. Elena yung tumatakbo sa isip ko that she laughed even more. “Naku, yakap-sul at bioge-sex lang ang katapat niyan Ellie!!”

AHH. Taeee. Ang slow mo talaga Ellie!! Pati tuloy ako natawa na lang sa napaka kupad na pagproseso ng braincells ko. JOKE pala yun!! Sus. Hahaha.

Maya’t maya, Ms. Elena took my hand. Napaka gentle ng pagkakahawak niya saken. “Ellie…” she was still smiling pero… iba na yung kislap ng mata niya. Parang malungkot. “About Sef…” She caught my gaze. Parang biglang huminto yung pagtibok ng puso ko. Naku, baka pati si Ms. Elena nalaman na yung kumakalat na balita tungkol samin ni Sef. As much as I wanted to tell her na child abuse ang magiging relasyon nila ni Sef… naisip kong… masyadong mabait si Ms. Elena para sabihan nun. I could have opened my mouth to protest. Na sabihin na nagkakamali siya… hindi siya dapat magselos… walang namamagitan samin ni Sef!!

“I noticed he cares about you.” Parang gusto kong sumagot ng, WEEH? DI NGA? Pero hindi ko mahanap yung boses ko. Parang bigla akong namaos at hindi na makapagsalita. Pipe ka ba Ellie? Ano ba!! Kung anu-ano ng sinasabi ni Ms. Elena oh!! “Mabait naman talaga yang si Sef... And knowing you, hindi mo siya pababayaan. Sana Ellie…” She pressed my hand. “Wag mo siyang iiwan. He just needs someone to be there for him.” Hindi ko naiintindihan mga sinasabi niya!! [color="#800080"]“Please. Please do take care of him.”
“ACHOO.” Sef sneezed. Nasa starbucks siya ngayon, may kausap sa phone. Wala naman siyang sipon pero bigla siyang nabahing. “Yeah. This coming Saturday.” He was saying, wiping his nose with a tissue. “Yeah. Yeah.” He looked at his watch that already read 11:35 am. “Reserve the place under my name. Miguel Monteverde.”

Japo was sitting before Sef, oo may pasok sila at nag-cutting siya. Sef talked him into it. Wala na siyang nagawa ee. Nakikinig siya habang nakikipag usap si Sef sa cellphone.

“Pare, salamat!! Good to know na malakas pala ko sayo!” Sef was grinning despite the fact na wala naman dun yung kausap niya. “Okay man! I’ll see you on Saturday!!” With that binaba na ni Sef yung tawag.

“Sino yun?” Tanong ni Japo but Sef only shrugged obvious na walang plano sabihin. “Anyway, ano? Nakita mo na ba siya?”

“Tawagan mo si Ellie bukas ng gabi,” Sef answered, completely ignoring Japo’s question. “Tell her to meet me 8am sharp. Dito sa starbucks na toh.”

Japo’s face then turned grave. “Alright I’ll tell her. Pero Sef, alam kong biro lang ang lahat ng toh sayo. Just promise me you have to end all these as soon as possible. Dahil hindi ako papayag na barkada ko ang pagtripan mo ngayon.”

Sef’s smile faded. Hindi siya nagsalita at uminum na lang siya ng kape na inorder niya.

TO BE CONTINUED.

♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌