Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 24. Jacket Mayhem

Friday
Dimaculangan Residents
8:15 pm


Para akong tanga na naka alumbaba sa dining table namin. Yung jacket ni Sef na pinahiram niya saken nun nasa Tagaytay kami ee nasa akin pa rin hanggang ngayon at siyang nakahain dito sa lamesa. Kanina ko pa nga ito tinititigan. Hindi ko na kasi naiintindihan ee… hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari… tapos yung mga sinabi pa sakin kahapon ni Ms. Elena. Ano kayang ibig niyang sabihin nuh?

Hindi ba niya alam, na kahit kailan hinding-hindi kami pwedeng magkasundo nung si Miguel Josef Uy Monteverde?? Wala akong panahon para sakanya. Take care of him daw… sus, bakit muka ba kong nagaalaga ng mga puslit na bata?? Accountant ako nuh, hindi special education ang tine-take up ko!!

Para kaming Yin at Yang nun si Sef. Kung baga sa magnet North Pole at South Pole. Negative at Positive. We’re totally two different people na kahit ano pang sabihin ng mga propeta sa langit ee hinding-hindi talaga kami pwedeng maging friends!!

I hate that guy sooo much!! Seryoso!! At ngayon ko lang ito naranasan… possible palang kamuhian mo ang isang tao in a major major way!!!

A minute or so, tumabi sa kanan ko si Eddy at sa kaliwa ko naman ay si Em-Em. Para kaming statwang tatlo. Nag-alumbaba din silang dalawa at tatlo na din kaming naka titig dun sa Jacket ni Sef.

“Si Miguel nuh?” tanong ni Em-Em. I didn’t answer. Nakatitig pa din ako dun sa jacket. Tumatak na talaga sakanilang lahat yung pangalan na Miguel.

“Si Miguel nga!” sagot naman ni Eddy.

“Tinamaan ba?”

“Pwedeh. Pero matagal ng may TAMA yan.”

I made a face. Sira talaga tong mga kapatid ko oh! I frowned at them both. “Asus, tumigil nga kayong dalawa!”

Biglang nagtinginan silang dalawa at pareho nilang nilapit ang mga muka nila saken, my face was sandwiched between them.

“Rah-rah-ah-ah-ah!” Kanta ni Em-Em sa tenga ko, with matching facial expression pa siya oh. Nakuu, saming magkakapatid siya talaga ang may magandang boses.

“Roma-Roma-ma-ah!” Tuloy naman ni Eddy sa kanang tenga ko. So tama bang mag-duet??

Ga-ga-ooh-la-la!” sabay nilang kinanta.

“Want your bad romance!”

GAAAH!!! Bigla akong tumayo, slamming my hands on the table. At kumaripas sa pagtakbo yung dalawa but in doing so, hinablot ni Eddy yung jacket.

“MA!! MAY BAGO KA DAW BASAHAN OH!!” Sabi ko sa inyo mga kapatid ko yan ee, diba? Yun din yung naisip ko dati? Ang gawing basahan ang jacket ni Sef? Muka naman talga kasing basahan ee.

I chased after them. “ED!!” I screamed. Tawa ng tawa yung dalawa habang nakikipag habulan ako sa kanila. Nagmistulang playground ang buong tahanan namin.

“Oh, ano ba yang pinag-gagagawa niyo? Mga batang ito…”
Si papa kararating lang galing sa talyer.

“PA!!” I whined, after mag-mano. “Yung jacket ko oh!!” Para kong batang aping-api at parang hindi ako yung ATE.

“KO?” inulit ni Em-Em. “Hahaha. Naku papa, meron ka ng manugang!!”

“TALAGA?” Sabay pasok naman ni Mama mula sa kusina. “MAY BOYPREN KA NA ELEONOR?” Yung boses ni mama talagang excited ee kala mo buntis ako.

“Tsk.” Napakamot ako sa ulo. “Wala mama!! EDDY IBIGAY MO NA NGA KASI YAN SAKEN!!”

“Magagalit ba si Miguel?” Tanong ni Eddy, habang sinusuri yung jacket. “Tamang-tama oh kelangan ni Mama ng basahan sa kusina.”

Biglang kinuha ni Mama yung jacket kay Eddy. “Naku anak, jacket ba ito ng nobyo mo?” She just couldn’t hide the thrill in her voice. Inamoy yun ni mama at hinagod-hagod. “Binigay ba niya sayo ito? Ee di para ka niyang niyayakap kapag suot mo ito!”

Namula yung muka ko. Naalala ko kasi nung sinuot ko yung jacket sa Tagaytay… I remembered the warm feeling it brought to me kasi ginaw na ginaw na ko nun. Kaya pala ganun kasi… kasi nakayakap si Sef sakin nun??

“Isuot mo nga anak! Dali!! Isuot mo!” My mom insisted.

I was terrified, parang ayoko na ngang mahawakan ng balat ko ang tela ng jacket na yun!! “WAAH!” I screamed as I took my flight up the stairs. “TAMA SI EDDY!! GAWIN NIYO NA LANG BASAHAN YAN!!”
At isinara ko ang pintuan ng kwarto ko.

After an hour or so, nakahiga lang ako sa kama ko nagbabasa ng Paboritong Libro ni Hudas na sulat ng pambansang manunulat ng pinas, si Bob Ong. Someone then knocked on the door.

“Ellie?” Si mama. “Anak, magbihis ka nga’t samahan mo ko kela Mrs. Navarro dumating na kasi kanina yung mga order natin mula sa Korea.”

I sighed. Napatingin ako sa relos sa may bed side table ko. 9:15pm na. Anong petsa na oh!! Nakakatamad. “SIGE PO!” Wala naman akong choice ee. Suki kasi ni mama yung si Mrs. Navarro sa mga binebenta niyang mga damit at kung anu-ano pang gamit mula sa Korea. Yan ang trabaho ni Mama ee. Yung tita ko kasi nasa Korea at siya yung mga bumibili nitong mga binebenta namin. Negosyo ito nilang magkapatid. At gustong-gusto akong kasama ni mama lalo na kung si Mrs. Navarro ang pinupuntahan niya. Ubod kasi ng barat ng matabang donya na yun, aba syempre papatalo ba ko sakanya? Ee accountant ata toh nuh!!

Mga 10:15 na kami halos nakarating sa bahay nila Mrs. Navarro at bago pa namin simulan ni mama yung bentahan, binulungan ko si mama na ibigay saken yung listahan ng mga presyo ng mga goods na dala-dala namin.

“Nakuuuu…” Si Mrs. Navarro ee halos mag-swimming na sa dalawang maletang damit na dala-dala namin. “Gusto ko ito ija.” Sabi niya saken, ngiting-ngiti siya habang hawak-hawak ang isang oversized t-shirt. Itong si Mrs. Navarro ee isang tingin pa lang, alam mo ng isa siyang donya. Donya ng mga kuripot. Maliit lang siyang babae na ubod ng tining ng boses at siya lang ang natatanging mataba sa pamilya ng mga Navarro. “Magkano ito?”

Original price nun ee 200. “Aah. Yan po ba? 370 po yan! Pero dahil sa Buena mano ho namin kayo. Bibigay ko na sa inyo ng 350.”

Narinig ako ni mama at napatingin siya saken, yung mga mata niya parang nagtatanong ng, Anong ginagawa mo Eleonor?? 200 lang yan!! Pero hindi ko pinansin si mama. Ee kaya nga ako nandito diba? Para hindi siya malugi… ang lakas kasi nitong donyang ito… overr kung makapang barat!!

“Ahy.” Mrs. Navarro pouted, yung mga taba-taba niya sa pisngi lumubo. Ayan na. Sign na yan!! Let the baratan begin!! “Ija naman, gawin mo ng 250.”

Ganyan ang technic when you’re dealing with a kuripot client!! Kita niyo naman oh, bangas ng muka… isang daan agad ang binawas niya!! Mula sa 350 naging 250 agad!! Hindi man lang naghinay-hinay!! Lakas talaga!! Pero ayos na yan! Kung baga sa deal or no deal… DEAL na tayo. Naka kick back pa ko ng sikwenta pesos!! Nyahahahaha…

“Eee.” Syempre konting drama na parang lugi ka. “Hmm. Sige na nga Mrs. Navarro, dahil sa suki namin kayo. Sige. Sa inyo na yan sa halagang 250!”

“AYAN!! Hahaha.” She laughed, yung mga fats niya nanginginig din. “I like your daughter Evelyn ah!! She’s really nice!!”

BUWAHAHAHAHA. Kung alam niya lang.

At patuloy na si Mrs. Navarro sa pagpili at pagbarat… at same technic pa din ang ginagamit ko.

Ang asawa naman ni Mrs. Navarro ee tahimik na naka upo sa isang sofa na kung saan kami mismo nagkakagulo-gulo. Tahimik lang siyang nagbabasa ng dyaryo.

Sa totoo lang, siya lang itong kilala kong matandang lalaki na sa gabi nagbabasa ng dyaryo. Mejo suplado kasi itong si Mr. Navarro at madalas dinededma lang niya kami at ang mga benta namin ni mama. When all of a sudden, he placed down the newspaper that he was holding and was staring intently sa isang parte nung tumpok-tumpok na damit sa gilid niya.

I was just about to ask him kung ano yung nagustuhan niya when my cellphone rang. “Hello?”

“Ellie!” Si Japo pala.

“Oh, bakit ka napatawag Japo?”

Napatayo na si Mr. Navarro and started pulling something out of the pile of clothes.

“Pinapasabi nga pala ni Sef yung tungkol sa date niyo bukas. Baka daw kasi makalimutan mo.”


“Sus.” I frowned. “So kelangan ikaw pa ang magpaalala saken?” May point naman ako diba? Hindi naman sa si Sef ang gusto kong tumawag or anything like that… pero… diba? Siya yung may kailangan. Bakit hindi siya yung tumawag??

Mr. Navarro finally took the maroon piece of clothe and studied it for a while.

“Ee. Ewan dun. Magkita daw kayo ng 8:00 am sa may Starbucks sa may malapit sa MUP. Hintay—“

“Magkano ito?”
Mr. Navarro then asked, at nawala yung concentration ko kay Japo. Aba syempre pag pera na pinaguusapan, mas mabilis pa sa alas kwatro ang tenga ko.

“Aaah.”
My mom answered, looking at her list.

“This looks expensive. Gusto ko ito.” It was a declaration from Mr. Navarro.

“…Okay Ellie?”
Confirmed ni Japo.

“Hmmm. Yeah. Okay.” Mabilis kong sagot pero hindi ko na siya naririnig but when I saw what Mr. Navarro was holding I shrieked. “TEKA LANG!!” Inend ko na agad yung tawag ni Japo at binulsa yung phone ko. “Hindi yan FOR SALE!!” At hinaltak ko kaagad yung JACKET NI SEF kay Mr. Navarro.

[hr]

“Kala ko ba, gagawin na yang basahan?”
Tanong saken ni mama nung pauwi na kami. Namula yung muka ko… namula sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung anong nagtulak saken para hablutin ng ganun yung jacket. Grabee Ellie!! Pera na nga naging bato pa!! Dapat binenta mo na kung ganito lang din naman ang mangyayari!!

“HAY NAKU MAMA!!”
I shouted defensively. “IBEBENTA KO TOH NG MAS MAHAL SA TIANGGE NOH!!”

My mom was smiling at me. Yung ngiti na tipong nangaasar. [color="#708090"]“Okay. Sige. Sinabi mo ee. Pero anak, alam mo... natural lang na magkagusto ang isang babae sa isang lalaki. Natural na ma-inlove ang isang dalaga!!”

AAAAH!! WALA AKONG NARIRINIG!!! GRRRRRRR... WALANG NATURAL DUN!! WALA!!!

Halos 11:45pm na kami nakarating ni mama sa bahay. At bumulagta agad ako sa kama… wala sa isip ko yung tawag ni Japo kanina. At mas lalong wala sa isip ko na DATE NA NAMIN BUKAS NI SEF!!

TO BE CONTINUED.