Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 03. Sef is the Name.

For a while I thought my heart stopped and time seemed to drag on forever...

Di ko ma-gets... di kayang i-comprehend ng braincells ko ang mga sumunod na pangyayari. Mas gugustuhin ko pang mag-solve ng isang katutak na accounting problems o mag analyze ng isang dangkal na financial statements kesa intindihin ang mga nangyari saken - to face the bitter truth that a ghost just kissed me... rather a ghost stole my VERY FIRST KISS...

Siguro nga, hindi ako babaeng maituturing sa kilos, galaw, pananalita at pag-iisip ko!!! Pero... kahit papano babae pa rin naman ako... at importante saken ang FIRST KISS na yun!!! Hindi ko lubos na maisip na ako, si Eleonor Malicsi Dimaculangan, ay nanakawan ng halik ng walang hiyang multo na toh!!!

Nanlaki ang mga mata ko, at para kong yelo na nanigas na lang bigla at nakalmutan ng huminga... hindi ko alam kung anong itsura ko... all i know is that my face is burning hot dahil sa sobrang pula...

Multo:(smiles handsomely) Oh okay na miss! Ligtas ka na! A thank you will do...

...and the moment he stepped away... I felt...

T-teka ano daw??? Pasalamat??? Sino??? AKO?? Narindi ang tenga ko, para bang bigla akong sinampal at nagising mula sa bangungot. Biglang nakaramdam ako ng matinding pangangailangan na PUMATAY ng tao!!! As in, pagbigyan niyo lang ako... ngayon lang... papatayin ko lang ulit itong hinayupak na multong toh... tayu-tayo lang makakaalam...

Multo: Wag mo ko masyadong titigan miss, baka ma-in love ka!!! Simpleng thank you lang ayos na!

Parang biglang may lumabas na laser beams sa mata ko at parang bulkang sasabok ang dibdib ko. I never thought I could HATE a person this much... yung tipong gusto kong basagin bungo nitong hayup na toh at tagain siya ng paulit-ulit... dahil sa totoo lang... kahit negative zero ang lovelife ko... kahit papano... hindi ko inasam na magiging ganto ang experience ko sa first kiss ko... dahil para saken... gusto ko SPECIAL ang unang lalaking hahalik sa ken... at hindi yung gantong... GRRRRRRR...

Hindi ko alam kung ano pang magagawa ko sa multong ito... dahil nagdidilim na ang mga paningin ko... kailangan ko ng magpakalayu-layo dahil sigurado akong hindi maganda ang mangyayari sa kanya... agad akong naglakad at pinili ko na lang na wag magsalita... ayokong pumatol sa multong ito... oo nga... multo lang siya... multo... maaaring guni-guni ko lang... masyado lang ata akong nasobrahan sa pagbabasa ng Law book ko at na-law-loka na ko... di ko papatulan ang multong ito... hindi ako baliw... wwwwaaaaahhh...

Multo: Oi, t-teka lang... saglit... miss!!!

Hindi ko siya pinapansin kahit ilang beses na niya kong pinapatigil... sinusundan lang niya ko kahit na takbo't lakad na ginagawa ko pabalik sa The Manor... hindi ko kakausapin ang multong ito kahit na sasabog na ko sa galit at inis... pero ng nasa labas na ko ng The Manor... hindi ko na talaga kaya...

Multo: Miss, pipe ka ba?? Hindi ka ba marunong magsalita??? O baka naman binge ka??

Ako: Pwede ba? Dumistansya ka saken!!! Wala akong panahon sa mga maniac na multong kagaya mo!!!

Multo: (napataas ang kilay) Multo?? (napaisip) Aaaahh.. oo nga pala ikaw yung babae sa Boys' Cr!!! Hahahaha... itong gwapo kong toh??? Pagaakalaan mong MULTO???

Ako: Hoy!!! Hindi ka si John Lloyd Cruz kaya wag kang ambisyoso!!! Hindi ka gwapo!!!

Multo: Ano bang problema? Ikaw na nga tong tinulungan kaw pa tong galit...

Ako: Tinulungan?? O minaniac mo?? Nakaligtas nga ako sa apat na adik na yun... pero nahuli din ako ng isang maniac na kagaya mo!! Anong dapat kong ipasalamat dun???

Multo: ;D PPPfffftttt... hahahahaha... FIRST KISS mo ba yun miss???

Sa tanan ng buhay ko... hindi ko kailan man pinangarap pumatay ng tao... ngayon lang talaga. Hindi ko na nga namalayan na para kaming artista sa dami ng nanunuod sameng dalwa...

Bago pa namin ipagpatuloy ang bangayan na toh, biglang pumasok sa eksena si JAPO!!!

Japo: (umakbay sa multo) Oi, Sef!!! Anong problema?? (napatingin sakin) Ellie?? Anong...

Sef: Oi. Japo! (smiles) Itong babaeng toh ee... hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob.

Nagulat ako... lintik talaga tong si Japo kahit mga multo kilala siya!!!

Ako: Utang na loob??? Ikaw ba bangag o sadyang bangag???

Sef: Teka nga muka ka bang kamaniac-maniac??? Ee mas lalaki ka pa nga atang kumilos saken ee...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kagaya dun sa ginawa ko kanina, inapakan ko ng matindi ang paa nitong mayabang na toh. Napa-aray siya ng bonggang-bongga at kinakailangan ng pumagitan ni Japo dahil aatakihin ko na talaga siya... biglang dumami ang pumipigil saken... sila Borge na pala tong mga dumating.

Borge: Oi Ellie... dios mio... tama na!!! Ano ka ba? (agad naman akong kumalma)

Jill: Kanina ka pa namin hinahanap!!!

Meg: Ano bang nangyari?

Borge: Nakainom ka ba? Bakit ka nakikipag-away dito??

Bakit daw, tanong saken ni Borge...


Bakit, masama bang gustuhin ng isang babaeng kagaya ko na negative zero ang lovelife at walang pakialam sa pag-ibig na sana SPECIAL ang magiging first kiss ko? Masama bang gustuhin na sana... kung maaari... the first guy to kiss me will also be the last and only person to do so??... Kasalanan ko ba kung ganito ang pananaw ko??? Masama bang pahalagahan ang unang halik na yun???... sabihin niyo nga saken... kung tama o mali ako?

Gusto ko tong sabihin lahat kela Borge... pero hindi ko kayang sabihin sakanya na hinalikan ako ng maniac na lalaking yun...

Sa pananahimik kong yun, parang alam na ni Borge na may maling nangyari. Tumingin siya dun sa lalaking inaaway ko at kung hindi lang siguro ako galit... siguro tatawa na ko ng malakas sa naging itsura ni Borge... kuminang ang mga mata niya na para bang may mga HEARTS na lumalabas... obviously, she was charmed by this loathsome guy.

Borge: Ano bang nangyari Kuya? (pa-flirt niyang tinanong)

Sef: Well, I just saved her life back there. Wala na kong choice ee. I have to kiss her to keep her from shouting. Tapos siya tong galit na galit.

Sa pagkakakwento niya parang its the MOST ORDINARY thing in the world... na para bang napaka normal lang ng ginawa niya at parang siya pa yung inapi...

Borge,Meg,Jill, at Japo : KISS??? :o :o :o :o

Oo mga kapatid, amazing talaga dahil sabay-sabay nilang sinabi yun na para bang wala ng ibang nabanggit yung multo kundi ang salitang yun: Kiss. At ineexpect ko na ang susunud... sabay-sabay din silang naghalakhakan...

Japo: Langya ka Sef!! hahaha... sa lahat si Ellie pa!!!

Meg: Ayos kaibigan mo Japo!! Gwapo nga pero may depekto naman ata sa pagiisip!!!

Borge: Buti hindi ka natetano!!!

Sef: haha. Kaya nga ee. Mukang hindi pa naman babae yang kaibigan niyo.

Ako: (naririndi na lalo)

Borge: Congrats Ellie!!! Dalaga ka na!!!

Ako: Naku, uuwi na nga ako!!! Ayoko na dito!!! (papaalis na dapat pero pinigilan ako ni Japo)

Japo: (umakbay saken) Oh, teka lang... easy ka lang Ellie... lika... (hinaltak ako sa harap nung multo) Mabuti pang pakilala muna kita... ito nga pala si Miguel Josef Uy Monteverde. Sef tawag namin sakanya. Sef... ito si Eleonor Malicsi Dimaculangan. Mas kilala bilang Ellie.

Ako: hmpf!! >:(

Borge: Hi, Sef!!! Ako nga pala si Borge!!

Jill: My name's Jillian. Jill na lang for short.

Meg: And I'm Meg.

Ako: >:(

Japo: Mukang magiging magbest friends kayo Ellie. ;)

Ako: Umasa ka Japo!! Bitawan mo ko't aalis na ko!!!

Borge: Wag ka nga Ellie. Nagsisimula pa lang ang kasiyahan... pasok ulit tayo sa loob... and let's PARTEY!!!

Japo: Siya nga pala girls... si Sef ang sinasabi kong SPONSOR naten ngayon... kabarkada ko siya since... (napakamot sa ulo) Since birth na nga ata ee haha ;D... taga GWAPS University nga pala siya!!!

Borge, Jill:,at Meg: Sponsor??? GWAPS University???

Borge: Sheet ka Ellie. Ang swerte mo sa humalik sayo!!!!

At ayun na nga ang simula ng pagkakakilala namin ni Miguel Josef Uy Monteverde... pagkakasabi pa lang ni Japo tumatak na agad sa utak ko ang buong pangalan niya.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌