Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 25-1. Parokya ni Sef.

10:00 am
Starbucks near MUP


All the female customers seated comfortably in Starbucks , including the baristas at the counter, couldn’t help but steal quick glances at him. Pero walang makaporma sakanya. Wala ding maglakas ng loob na lumapit because of the deadly scowl masking his handsome face.

He was obviously angry as he clutched the empty cup of coffe he had ordered around 7:55am that morning. The poor cup was now completely deformed. Sinalo na nito ang lahat ng galit at inis ng binata.

“D@MN!!” he cursed under his breathe. “Asan na yung babaeng yun??”

Miguel Josef Uy Monteverde arrived here at exactly 7:55am, five minutes earlier. Pero ano? 10 o’clock na at wala pa rin ni anino ni Eleonor Malicsi Dimaculangan. He has been waiting for her for two hours now.

He glared furiously at his watch.

10:01 na… and Ellie was still nowhere in sight.

Don’t tell me, ininjan niya ko??
10:30 am
Outside Starbucks


Eleonor Malicsi Dimaculangan

Hindi ko alam kung anong lakad at takbo ang gagawin ko. 9.30 na ko nagising kanina. And it took me a whole thirty minutes before I remembered the call of Japo last night. Ni hindi na nga ako nakapag tooth brush ee at hindi na ko nakapag suklay ng buhok. GRAAAABBBEEEHH!!

I’M LATE!! Siguradong wala na dun si Sef… at dapat maghanda na ko!! Baka ako na ang sumunod kay Ryan sa ospital!!!

I took the first pair of skinny jeans at white sleeveless shirt sa cabinet ko at agad-agad sinuot ang favorite kong chucks converse kahit na natetempt na kong mag-tsinelas na lang. I grabbed my phone, shoved it in my pocket the same thing with my wallet na wala namang laman except yung 800 pesos na na kick-back ko kay Mrs. Navarro kagabi. Ayoko kasi ng nagba-bag!! Ayoko ng may mga abubot ako nuh!!

After an hour or so… Hingal na hingal ako pagdating ko sa Starbucks. Malayo pa kasi lalakarin pag baba ko ng jeep. Siguro kung nakikita niyo ko ngayon, masasabi niyong, Ellie, mahangin ba sa labas? Naku, buti nga matulin yung jeep na sinakyan ko ee. As in yung tipong tutumba na kami sa sobrang adik niyang magmaneho!!

Pero… teka nga lang… SINO BA NAMAN KASING GENTLEMAN ANG HINDI SUMUSUNDO SA DATE NIYA SA BAHAY??

Nakakaimbyerna na tong si Sef aa!! This was all his idea pati ako idadamay sa mga kalokohan niya!! Tumigil muna ko saglit sa tabi ng isang L300 na van para manalamin. Hindi na pang tao ang ayos ng buhok ko ee.

Inhale.

Exhale.


Wooh.

Pagpasok ko sa Starbucks I quickly scanned the area. Pinagtinginan pa nga ako ng mga tao, buti na lang talaga nag sapatos ako, kasi kung hindi baka lalo nila kong napagkamalang holdapper kung naka tsinelas lang ako. I took a deep breathe eyeing every person seated sa couch sa loob ng Starbucks.

And to my own dismay, there was no SEF in sight. Umalis na yun sigurado chaka… teka… baka hindi nman talaga siya dumating?? Baka… pina-paasa lang niya ko dito at…

I froze and my jaw almost dropped to the ground. Bigla kasing lumabas si Miguel Josef Uy Monteverde mula doon sa CR looking so breathlessly handsome in his blue jacket na naka open completely exposing his bare chest!! OOOh… sizzling HOT!!! He was wearing denim pants at nike na rubber shoes!! God, how could someone like him wearing just simple clothes could look this perfect!! He didn’t notice me at first, but when his eyes landed on mine… talagang napatigil siya and he frowned angrily at me.

I wasn’t sure how to react feeling ko nga nakanganga pa din ako habang papalapit na siya saken. He stood before me, glaring fiercely into my eyes na kala mo susunugin na niya ko.

“Darn it!” He hissed. Parang may lalabas na ngang usok sa ilong niya ee. “Three hours kang late!!”

I have to blink several times bago ko ma-compose ang sarili ko. Kausap na pala niya ako!! Masyado akong nacarried away sa gandang lalaki ni Sef. “May batas bang nagsasabing BAWAL MA-LATE? Ha? Ha?” Aba malay ko bang hinihintay niya ko?? Bakit hindi na lang siya umalis kung sobrang naiinip na siya nuh!! Kainis!!

“Hindi ko alam na makupad kumilos ang mga CLOWN na kagaya mo!!”


“Ee bakit? Sino bang pumilit sayong makipag-date sa isang CLOWN!!”


“Sheesh. You’re really one crazy girl!!” Bigla na niya kong hinatak papalabas ng Starbucks. “Tara na nga pati ako dinadamay mo sa pagiging makupad mo!!!”

He dragged me out. As in literal na kinaladkad niya ko!! Naglalakad na kami palagpas dun sa L300 na pinagsalaminan ko kanina. Hinahanap ko yung black na fortuner niya pero… hindi ko makita. Ano ito? Nag-commute si Sef?? Grabeh lang aa!! Umaasa pa naman akong naka kotse kami!! Hindi na kakayanin ng buhok ko ang second round sa jeep!!

But then he reached in his pocket then took out his car keys, he pressed on the remote at tumunog yung lock ng… hesusmariajosepa!! FE--FERRARI!! Ferrari ang dala-dala ngayon ni Sef!! OH MY… I gasped in amazement!! Ayun, naka-park sa tabi nung L300 ee yung shining shimmering na gray na ferrari ni Miguel Josef Uy Monteverde!!! Kaya pala wala yung guard ng starbucks sa loob ee, andito sa labas katabi nung kotse niya. Todo bantay!!

Pumunta na siya sa driver’s seat at pumasok. Pero naiwan ako sa labas, para kong tanga na hinihimas-himas yung hood ng kotse niya. Unbelievable!! Naalala ko kasi si Papa. Isa siyang mekaniko remember?? At sobrang pangarap niya ang makakita ng Ferrari… kahit nga daw mahipo lang niya ang mga manibela nito, malanghap ang usok na ibubuga nito sa tambutso… Parang gusto kong tumakbo pauwi sa bahay para lang isama si Papa dito… O kaya para mas maganda sabihin ko kaya kay Sef sa bahay na lang kami mag-date?? Hahaha.

“Teka lang!!” Biglang lumabas ulit si Sef only to take my hands off his precious Ferrari. “Baka madumihan hood ko!!”

Ang kapal talaga ng lalaking ito!! Pasabugin ko mga gulong nito ee, makita niya!! Sumama talaga yung timpla ng muka ko. This time, I was the one glaring at him. Ihampas ko sakanya yang Ferrari niya ee!!

“Tara na Ellie!!” he called in a hurry, bago ulit siya pumasok.

“Bahala ka!! Hindi talaga ako sasama sayo nuh!! Aba, malay ko ba kung saan mo ko dadalin nuh!!” I just stood there. Hindi talaga ko gumalaw.

He quickly looked at his watch. “Huh,” he scoffed. “At saan naman kita dadalin? Sa Sogo?”

“Why not? I know you want me!” Ang taray ng sagot ko!! Bravo!! Actually, hindi ko alam kung saan ko napulot yun!! Hahahaha. Pero I love it!! Mas matindi yun kesa sa mga banat ni Sef sa clinic.

He shuts the car door and walked towards me. “Or maybe…” he smirked evilly, his black eyes glinting mischievously. Yung mapang-asar nanaman niyang ngiti. “You’re the one who is dying to own me!!” He neared his face to me… and I swear I forgot to breathe!! May hangin pa ba sa lungs ko?? Gosh… parang kelangan ko ng mouth-to-mouth resuscitation ngayon!! Hahahahaha. Nakuu, wag na wag kang magkakamaling idampi yang mga labi mo saken SEF!! Mauuwi talaga tayo sa Sogo ng wala sa oras!!

He inched further as in parang iisang hangin na lang ang hinihinga namin. Actually, madaling itulak si Sef papalayo. Madali siyang pahintuin sa kanyang binabalak. Pero… Napapikit lang ako. Tao lang naman ako… at matindi ang tuksong papalapit saken ngayon!! Dios mio… wag naman ganito!!

“Hahahaha.” Sef suddenly laughed. When I opened my eyes, he was no longer in front of me, andun na pala siya ulit nakatayo sa may driver’s seat. Papasok na sa loob ng Ferrari niya. “Masyado pang ma-aga para sa kiss naten.”

Grabe talaga tong lalaking ito!

"Later. I'll give you one." He winked at me. Waaah. At kinilabutan ako ng bonggang-bongga!! Chaka teka nga... Bakit LATER pa??? Hindi na lang ngayon?? Hahahaha. CHOS!! Besides...


Kelan pa nagkaroon ng schedule ang kiss?


TO BE CONTINUED.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌