Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 25-2. Parokya ni Sef.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

I wasn’t paying attention to where we were going. Basta ang alam ko lang, nakasakay ako sa Ferrari. And you know what? Hindi lang pala ako ang nabibighani, lahat kasi ng nasa daan, kalsada, mga tambay-tambay sa kanto ee talaga namang nakatingin samen.

A guy driving a yellow hummer waved a hi at me nung nasa kahabaan na kami ng highway. Actually, kumindat pa siya saken. Napakamot ako sa ulo, hindi kasi ako sure kung sino binabati niya, ako or yung Ferrari? Haha. O baka naman si Sef?

I noticed the guy laughed at me sa naging itsura ng muka ko. Kaya umupo na lang ulit ako ng maayos. Mahiya naman daw ako diba nasa loob ako ng Ferrari!! Haha.

Ano ba kasi yan!! Kanina pa kami nasa daan. Saan ba kasi kami pupunta?? Ayaw naman sabihin ng magaling na lalaking ito!! Ano ba, ito ba ang date na sinasabi niya?? Ang mag-road trip lang sa kahabaan ng highway to show-off his Ferrari??? Okay sige, ee di siya na ang may Ferrari!! Di naman niya kailangan ipalandakan sa buong Pilipinas nuh!!

Nakakunot na noo ko, bugnot na bugnot na ko. Ayoko ngang kausapin si Sef!! Tss. Puro kayabangan lang naman ang lumalabas sa bibig niya ee. Narinig kong ngumisi siya. Grabe siya nuh? Ngayon lang ako nakakilala ng isang kagaya ni Sef na tuwang-tuwa kapag naiinis na ang kasama niya!!

“Ellie, mga one hour pa bago tayo makarating dun.”
He then said, breaking the silence between us. “Gusto mo munang mag stop over?”

Hindi ako sumagot. Parang wala akong narinig.

“Ayaw mong kumain? Sigurado ka? Mahirap pa naman magutom ang mga Clown.”


Pagkain?? Napatingin ako sa tiyan ko. Hindi pa nga pala ko kumakain ng almusal. Grrr… kita niyo na?? Sa kakamadali ko kanina nakalimutan kong kumain!! Hindi na makatarungan ito!!

Napatingin ako in the distance, meron sa hindi kalayuan ee yung mga nagiihaw-ihaw!! Napalunok ako. Oh my… favorite ko yan!! Tawag nga nila ee, street foods!! Yung mga isaw, paa ng manok, bituka, dugo!! Nawala na lang basta yung inis ko kay Sef, I quickly told him to pull over. Nagtataka siyang nagpark at ako naman halos tumalon na pababa.

“Dalian mo Sef! Dali!!” I told him, para kong batang excited sa bago niyang laruan. Hinahaltak ko na siya papalapit kay Manang na nagiihaw. Sheet!! Heaven yung usok na humawi samen!! SARAP!!

I smiled sheepishly at Sef, na nagtataka pa din kung ano yung mga nasa stick na iniihaw ni manang.

“Dalawang isaw po manang!” Umorder agad ako. Ngiti naman si Manang saken.

“Yan ang kakainin mo?”

“Oo.” I said with conviction. “Wag kang magalala! Ililibre kita!!” Grabe, sinabi ko yun sa isang lalaking may dala-dalang Ferrari!! Hahaha. He smiled weakly, naalala ko yung itsura niya nung una ko siyang dinala sa Karinderia ni Aling Pacita. Alam ko na, by the way his brows arched na first time niya kakain ng street foods.

Sef waved his hand, hinahawi niya yung usok na galing sa ihawan. Hahaha. Oo nga pala mausok at madaling kumapit sa katawan ang amoy nito.

“Miss, ito na ho order niyo.” Sabay sabi ni manang na inaabot na yung dalawang isaw na order ko.

“Salamat Manang.” I took the sticks, grinning. Inaabot ko yung isang stick kay Sef. “Oh dali, tikman mo.” Tinignan lang niya yung isaw. He stepped back ng halos ingud-ngod ko na sa muka niya yung stick. “Ayaw mo? Masarap yan!! Dali, tikman mo lang!!” I was actually smiling, enjoying the funny look on his face.

“Sigurado ka ba? Ee parang pagkaen lang yan ng mga Clo--" Hindi ko na siya pinatapos ang panglalait niya, I quickly shoved the stick of isaw in his mouth. Ngumuya si Sef… dahan-dahan… nilalasahan yung isaw… and slowly, he finished the stick without another word.

[color=#8B0000"]“Oh diba? Ayos noh?” I grinned, nudging him.

Nakaka-tatlong stick na si Sef, pinatikim ko nga din siya ng paa ng manok at yung bituka ng baboy. “Dito yan masarap isawsaw Sef!” Tinuturo ko yung suka na may sibuyas, bawang atbp.

“Dito?” Tumango ako at sumunod naman siya. “Oo nga nuh!” I laughed at him, and weird kasi niya kumain. Siya naman obvious na nageenjoy din. “Ano ba tong mga toh ha Clown?”

Ang hilig niya kong tinatawag na Clown!! Nakakainis. Heh. Hindi pa din siya natututo hanggang ngayon. Mahirap na inaasar ang isang Dimaculangan. “Yung kinain mo kanina, paa ng manok at bituka ng baboy.” Sabi ko in the most natural way I could muster. Napatigil si Sef sa pagkain. He froze in shock. Hahaha. Natatawa na ko sa itsura niya but I still continued. “Yan namang kinakain mo, pwet ng kalabaw.”

WAHAHAHAAHAHAHAHA. Pagkasabing-pagkasabi ko nun, I burst out laughing. Hindi alam ni Sef kung anong suka ang dapat niyang gawin ee.

ANG SARAP NIYANG PICTURAN!! IT WAS ONE EPIC MOMENT!! MAJOR LAUGHTRIP!!

It was the first time in my entire life that I laughed so hard… na kala mo wala ng bukas!!

HAHAHAHA.

“Tenga yan ng baboy sir.” Mahinang boses na sabi ni Manang.

Patuloy na namula ang muka ni Sef. He angrily grabbed on his wallet and hissed, “Magkano lahat toh?” He said urgently, na tipong tatakbo na siya pagkabayad niya.

“250 sir!” Aabutin na dapat ni Manang yung buong 500 ni Sef kaya naman agad akong umeksena. Aba, lilibre ko nga siya ee!! Worth it siyang ilibre!! Swear!! Hahaha.

I pushed Sef’s hand. “Wag na, ako na magbabayad!!” I told him. “Manang, pag yan kinuha niyo malulugi itong ihawan niyo forever!!”

Napakamot si Manang sa ulo at hindi na kinuha yung inaabot na 500 ni Sef. Naglabas ako ng saktong 250, infairness aa? Ang mahal ng nakain naming street foods!!

He stared at me. His face expressionless. Pinanuod niya ng inabot ko yung pera kay manang. Para bang he couldn’t believe na may nanlilibre sakanya ngayon. Ee sira talaga ulo niya, ee pangalawang beses ko na nga siyang ililibre nuh!! Tss.

“Ano?” I said, still smiling. “Ngayon ka lang nakakita ng Clown na nagbabayad?”

Napangiti na lang siya saken sa sinabi ko. "Manang, pag itong 500 kukunin niyo, you can keep the change."

BONGGA!! Keep the change pa!!

Syempre nataranta naman si Manang at agad-agad kinuha yung 500 ni Sef!!

Tsk. Once in a lifetime lang akong manlilibre... at ayaw pa ni Sef!!! Oh well... bahala siya jan!!

TO BE CONTINUED.