Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 25-3. Parokya ni Sef.

4:00 in the afternoon.
After hours of travel…
Natagalan ang dalawa kasi naligaw pa sila ee…


At ngayon!! FINALLY. From the Ferrari… napunta naman kami sa isang mala-TITANIC na barko!! Amazing. Haha. No, really. Barko talaga. So ito pala yung naghihintay samen kanina pang alas-otso ng umaga??

Honestly, first time ko ngang makasakay sa barko. It was huge and it looked obviously expensive. Kung kanina nanlaki mga mata ko sa Ferrari ni Sef… well this time, nakanga-nga na ko. Just imagine a hotel drifting along the sea. Yun na yun siya ee. Ang laki nung barko, swear…as in literal na parang Titanic. May malaking chandelier sa main hall. Naka carpet yung lapag. And yung intricate designs nito para kang nasa hotel sa Paris!!

DUH!! Ellie… hindi ka pa nakakapunta sa Paris nuh!! Haha. Feeling mo naman!! Lahat na lang sayo mukang Paris!!

“Good morning sire!” Bati kay Sef nung foreigner na mukang kapitan nung barko. “Mam,” he smiled at me. “This way please.” Marami din namang ibang pasahero. Hindi lang naman kami. Pero iba yung treatment kay Sef, obvious na kilala nila itong ka-date ko!! Wow. Ka-date?? Ka-date ko si Sef?? Hahaha. Parang… ang sarap pakinggan nuh?? YAK!! Ano ba Ellie?? Magtigil ka nga!! Sino bang niloloko mo?? Remember, joke time lang ang lahat ng ito!! JOKE LANG!! Tatlong Sabado lang naman ee, kaya… hindi naman na din siguro masamang i-enjoy ko nuh!!

Okay. Sige. Basta… MAG-INGAT KA LANG!! haha. Tama bang kausapin ang sarili??

A guy wearing a modern tailor suit led us up the winding staircase and out the deck. From there I could see the clear water at yung mga isda sa ilalim ng dagat!! I do not know how I looked like, all I know was that I couldn’t help but smile habang walang sawa kong pinagtututuro yung mga isdang nakikita ko. “SEF!! Tignan mo oh!! Wahahaha… piranha yan oh!!”

Sef leaned against the railing beside me. “Pano mo naman nalaman?” He asked, looking down as well.

“Tss. Talent ko yan!! Haha.” I then turned around dun sa lalaking naka pang Popeye na custome na siyang nagdala samin dito. “Kuya.” I called him. “Meron bang mga dolphins dito?”

He smiled, amused with my question. “Yes, mam. They do show up sometimes.”

“How about sharks?”
Sheet. Biruin niyong napa-english ako dun!! Hahaha. “Pag tinapon ko ba itong lalaking ito,” I pointed at Sef. “May mga pating na darating?”

Natawa si Kuya.

“Ako itatapon mo? Baka pagpyestahan ako ng mga serena!!”

“Kung sa bagay, muka ka kasing shokoy!!” Then I laughed at my own joke, but my heart skipped a beat when Sef just gave me a smile. A simple smile. Yeah. Just a smile, and it was enough to make my heart race.

Agad-agad kong ibinaling yung mata ko sa tubig but I was not longer interested with the fishes or the dolphins or the sharks… all my senses were only aware of the guy standing next to me. Sef.

Hala ka Ellie!! Ano yan?? Sus. Baka meron kang jet lag.

Over!! E di ba nagkaka jet lag lang kapag matagal na nakasakay sa airplane?? Ee inday, barko ito. BARKO!!

I closed my eyes, taking a very deep breathe. Relax Ellie. Relax. Wala lang yan. Masyado ka lang naeexcite sa mga isda. Itigil mo na yang mga weird mong nararamdaman!!

Kung nakakausap lang ang puso, marami na kong irereklamo!!! Gusto kong isigaw sakanya na, “NAKAPA KJ MO!! KJ!! KJ!!!”

Then a minute or so, biglang may babaeng lumapit kay Sef and whispered something to him.

“Oh, Ellie!!” Tawag saken ni Sef. “Tara na!! Mamaya na yan!! You have all the time para tignan yang mga ka-uri mong CLOWN FISH! Haha.”

“Tss.” I hissed. “Shokoy!!”

He just laughed as usual. At sa totoo lang… gustong-gusto ko yung tunog ng tawa niya kaya without me noticing it, a smile was tugging at the corner of my lips.

Hinayaan niya kong maunang maglakad para sundan yung babae. And I turned hard as a rock when Sef Monteverde softly placed a hand at the lower part of my back. Yung ginagawa ng mga gentleman sa mga kasama nilang babae.

ELLIE!! WAAAAHH!!! WAG MO SABIHING KINIKILIG KA!!! KAMAY LANG YAN OH!! KAMAY!!!

Hindi ko na nga nakikita yung babae na nasa harap ko ee. Ang alam ko lang yung kamay ni Sef na nakahawak sa likod ko and the fact that he was walking close beside me. Naaamoy ko nanaman ang intoxicating na perfume ni Sef. Dios mio, ang bango talaga niya nuh!! Samantalang ako, siguradong amoy isaw na dahil kumapit na saken ang lahat ng usok kanina mula sa ihawan ni Manang.

Before I knew it, nasa may restaurant na pala kami nung barko. Yep, may restaurant sila dito!! Sosyal nuh!!

Table for two ang drama dito, pagka-upo namin may lumapit agad na waiter asking for our orders. Tumingin ako sa menu. Grabeh, libre ba mga pagkain dito?? Bakit walang PRICE?? Atchaka, bakit ganun?? Hindi ko man lang ma-pronounce mga tawag sa mga naka lista dito. Ni wala man lang mga pictures para malaman ko kung ano ba yung, Fried Provolone, Hot Italian Panini, Veal Parmigiana Sub, Torteillini Alfredo, Veal Saltimbocca… Sige nga kayo basahin niyo!!

ANAKSHUTA!! Parang ayaw nilang magpakain dito aa… bago pa nga ata makaka-order dito ee kelangan munang magnosebleed ng mga tao!!

I was frowning at the menu, trying to concentrate on what to order… magmimini-ini-my-ni-mo na lang ako!! Haha.

“I’ll have Chiapparelli’s.” Sabi ni Sef. “White wine.”

Nagsulat agad yung waiter sa notepad niya. “And as for the lady?” He turned his attention to me. Ako na yung tinatanong niya!!

“AAAAaaaahhh…” Ini-scan ko pa ulit yung menu ng two times. “Pareho na lang kami.” Yun na lang nasabi ko ee. “Pero pineapple juice.”

“Give her Calamari Fritti as well.” Dagdag ni Sef.

Fritty? Ano daw FREETTY?? As in Free-Tee (pretty)? Hahahaha. ASA KA ELLIE!!

After five minutes, dumating na din yung mga order namin. Ang bango!! And it was the first time na nakakita ako ng ganitong klase ng luto ng pagkaen. Meron pa talagang design and by the looks of it, alam mong mamahalin. Para tuloy ayokong kainin, sayang yung itsura… masisira… hahahaha.

But still, I ate it anyway…

Actually alam niyo, maraming taong kumakain dito sa restaurant… And you know what, they all looked elite, mga aristocrat na kahit naka casual attire yung iba, kagaya lalo ng lalaking nasa harapan ko… ee they still stood out. Okay, ako na ang OP dito. Thankful talaga ako na sumagi sa isip kong mag sapatos at hindi ako sinapian na mag-tsinelas ngayon!! Hahaha. And after a while…

“Sef.” I called his name angrily. “Ubusin mo nga yan!!” Hindi kasi niya kinain yung salad na kasama dun sa inorder niya. “Nakakahiya ka!!”

He looked at his plate. “What? Hindi ko na kaya ee.”

Hindi niyo na kasi itatanong ano? Pinalaki kami na BAWAL MAGTIRA NG PAGKAIN SA PLATO. Nakuu, kung kasama ni Sef si mama ngayon, natalakan na siya ng wala sa oras!!

“Alam mo bang maraming taong nagugutom sa mundo?”

“Bakit? Kapag kakainin ko ba toh, mabubusog sila??”


ANTIPATIKONG ITO!! GRRRR… NAINIS TALAGA AKO SA SAGOT NIYANG YUN!!

“Ewan ko sayo!!” I crossed my arms at inirapan siya.

“Ee busog na nga ako ee.”

“Ah. EWAN!!” I blurted out. “INIS AKO SAYO!!”

Naiinis talaga ako sa mga taong bumibili ng pagkain tapos magtitira lang. Maraming bagay ang nasasayang. Unang-una yung perang pinambili na pinaghihirapan kitain ng mga magulang mo. Pero ano nga ba naman kay Sef yun nuh?? Sayang ang bawat butil ng kanin na nasasayang at napapanis lang… sayang ang mga kalabaw at baboy na kinakatay para lang may makain tayo… tapos ano?? Ititira lang natin at sasayangin ang mga ito?? YAK!! Ano ito SONA Ellie?? Hahaha. Ee basta. Naiinis talaga ko sa mga ganyang nagtitira ng pagkain!!

“Tell me, kelan ka ba hindi nainis saken?” Sef said, trying to get my attention. Pero hindi talaga ako tumitingin sa kanya. Nakakunot pa din ang noo ko and I was pouting my lips like a child na hindi nakuha ang gusto niya. “Nahiya ka pa ee. Gusto mo lang ata umorder ulit.”

Dedma.

“Okay. Sige ayaw mo??”

Dedma.

“Ayaw mo ng desert?”

Dedma pa din.

“Ellie! Nu ba?”

If he thinks he’s stubborn, then I more stubborn than him!!

“Sayang may surprise pa naman ako sayo.”

I rolled my eyes. Yeah right.

“Hindi mo talaga ko kakausapin? Dahil lang sa salad na toh?”

I looked at my nails na kala mo nagaalis ng mga dumi sa kuko.

“Hahalikan kita if you don’t talk.”

Anong klaseng BANTA yan SEF?? Ee di mas lalo akong hindi magsasalita niyan ee. Hahahahaha.


“Okay.” He sighed in defeat. “Okay. Nanalo ka na. Kakainin ko na.” He said, taking his fork and started eating the salad. “Mga Clown talaga kahit kelan sakit sa ulo.”

I covered my mouth with a hand, natatawa kasi ako ee. I watched him until he finished every piece of it. As in SIMOT yung plato niya.

WALANG NATIRA.

To be continued.