Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 25-4. Parokya ni Sef.

Bakit ganun nuh? Kapag nag-eenjoy ka... kapag sobrang masaya ka... hindi mo na napapansin ang pagtakbo ng oras. Tirik na tirik pa ang araw ng dumating kami sa barkong ito... pero ngayon, isang napaka gandang buwan na ang nasa langit.

Nalibot na nga ata namin ni Sef ang buong barko. And I never imagined na darating ang araw na ito. As much as I hate to admit it, I am actually enjoying myself with his presence. Ako?? Si Eleonor Malicsi Dimaculangan, nageenjoy kasama ang isang kagaya ni Miguel Josef Uy Monteverde??

WEH?? Di nga??

Hindi. Hindi ako nageenjoy dahil siya ang kasama ko!! Nag eenjoy ako kasi first time kong makasakay sa barko!! Tama!! Yun nga yun!! Yun lang ang dahilan Ellie!! Wag ka nga!!

"Wow." Sef said with amazement as he pointed up the sky. "Ang daming bituin ngayon aa?"

I should have looked up the sky but instead, I found myself staring at him. Nakakatuwa siyang tignan. He was smiling. Ngayon lang ako nakakilala ng isang kagaya ni Sef na laging nakangiti even with the simplest things. Even when I'm frowning or glaring at him, he would easily give me one of those sexy smiles of his. I honestly would love to see him smile... all the time.

"Ellie." Sef called my name while leaning against the railings. I was staring at him, completely lost in his smile. "Hoy Ellie!" He shook his head, his smile widening. "Ano? In love ka na niyan saken??"

I blinked. Para kong sinampal sa sinabi niya. Kumunot nanaman ang noo ko. Ako?? Maiinlove sa kanya?? Huh. YAN ANG PINAKA NAKAKATAWANG JOKE NA NARINIG KO!! Hahahahaha.

Para kong sasabog sa inis ng lalo pa siyang ngumiti. Hindi ko alam, basta naiinis ako!! Naiinis ako!! At NAIINIS AKO!!! Ggrrr... gusto kong paduguin ang muka ni Sef!! Gusto kong alisin yang ngiti niya sa muka!! Nakakainis!!!

"Alam mo Monteverde..."
My voice was serious as hell at hindi ko alam kung papano ko yun nagawa. "Makinig kang maigi dahil bihira lang ako magtapat ng talagang nararamdaman ko..." He was looking at me straight in the eyes. Nawala yung ngiti niya. His face turning serious na parang meron siyang ineexpect na sasabihin ko. I felt my heart thumped against my chest. Ano nga ba talaga ang totoong nararamdaman ko?? GAAAH!! EWAN!! EWAN KO SAYO ELLIE!!! TUMIGIL KA NGA, WALA KANG PANAHON SA MGA GANYANG DRAMA!!! "Sef..." His name sounded different coming from my lips. His eyes were glued with mine. I could feel my cheeks turning red. AYOKO NG GANITONG PAKIRAMDAM!! AYOKO NITO!!! I shut my eyes in uncontrollable anger and blurted out the words that seemed to echo in the entire universe. "HINDI MO ALAM. YOU ARE THE ONLY PERSON THAT I HATE THIS MUCH!!!"

Kulang na nga lang ata magtransform akong Godzilla ee. Pagkasabi ko nun, Sef just looked at me, blinked a several times then gave me a small smile. "Alam ko. That's why I find you too amusing." With that he turned his back from me and started walking towards the door. "Tara na Clown, meron pa tayong isa pang pupuntahan."

Bakit ganun?? Bakit parang... ang bigat ng pakiramdam ko?? Yun naman talaga yung totoo diba?? I HATE HIM. I hate this guy!! Siguro nga kasi, TRUTH HURTS!!! Tamaah!!!

Pero... bakit parang... hindi pa rin ako convinced?? GRRRR... LECHUGAS KASING BIBIG TOH EE. BAKIT BA LAGI NA LANG AKO PINAPAHAMAK NITO??

Ang sarap tuloy sabihan ng sarili ko ng, HOY ELLIE DO YOU EVER SHUT UP???

Tahimik kaming naglalakad ni Sef sa hallway. He was walking few steps ahead of me, nakatitig lang tuloy ako sa napaka gwapo niyang likuran. Ano bang nangyari at nasabi ko yun?? Ee kasalanan naman niya yun!! He always made me say things... feel things that I shouldn't be saying... or shouldn't be feeling!!! GAAAH!! Bakit ba parang isang malaking PARUSA si SEF saken??

I was lost in my own train of thoughts that I didn't realize Sef already stopped from walking. Naumpog tuloy ako sa likod niya. And Good God, naamoy ko nanaman ang intoxicating niyang pabango. "Aray!"

"Oh ready ka na?" Sef asked, still smiling at me. Huh? Ready san? He grabbed my hand. Oo. As in, kinuha niya yung kamay ko!! At pakiramdam ko I was going to melt any minute now. Di ba? Kakasabi ko lang na HATE ko siya?? Ee bakit ganito?? "Hold tight, baka mawala ka Clown!"

Hindi ko namalayan, we were standing before two huge oak doors. At may dalawang lalaki in black suit na nakatayo dun. "Good evening Mr. Monteverde." They both greeted in unison. At tig-isa nilang binuksan yung malalaking pintuan.

And my eyes went huge dahil sa loob pala nun, isang malaking concert ang nagaganap!!! Before I knew it, napalibutan na kami ni Sef ng napaka raming nagsasayawan at naghihiyawan na mga tao. But none of them mattered, wala akong naririnig... wala rin akong nakikitang mga tao... ALL I KNOW WAS THAT... SEF MONTEVERDE WAS HOLDING MY HAND.

To be continued.