Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 25-5. Parokya ni Sef.


Eleonor Malicsi Dimaculangan


♪♫ ♪ Nung una kitang makilala di man lang kita napuna, di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba? Simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa 'yo. Di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito! ♪♪

To tell you the truth, wala naman talaga kong taste sa music ee. What do I know about it? Basta mabilis ang beat, basta masaya then I guess I’m okay with it. The more na napapaindak ako sa kanta, the better.

♪♫ ♪ Ako'y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin! Dahan- dahan nag- iba ang pagtingin ko sa 'yo, gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago! Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso. Bad trip talaga! Ha- i- in lab ako sa 'yo! ♪♪

Hindi ako yung tipo ng tao na makikita mong may earphones sa tenga habang nasa bus. Nope. Mas di hamak na katropa ko yung mga laging tulog sa byahe. Haha. I can live without an iPod... never ko hinangad na magkaroon ng mp3 nung uso pa yun. My uncle wanted to give me an mp4 before nung nakaraang birthday ko. But I said no. Sabi ko sakanya perahin na lang niya!! Haha. Until now, I do not know how to use one. Haha. Seryoso. If you want to let me hear your playlist then play it for me. Hindi mo ko makikitang magpipipindot niyan.

♪♫ ♪ Tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti, para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi! Minamahal kita! ba't di ka maniwala?! Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo? Maniwala ka sana, minamahal kita! ♪♪

Mahilig din naman akong kumanta... kahit mali-mali ang lyrics sige pa din ako... haha. Yep. Mahina kasi memory ko sa mga lyrics... sabi nga nila Borge gumagawa daw ako ng sarili kong kanta. Pero isang bagay lang about MUSIC ang maipagmamayabang ko sa inyo!!! Isang bagay na sure akong lahat ng pinoy – bata, matanda, babae, lalaki, mapa bakla o tomboy – siguradong makakarelate!!!

♪♫ ♪ Nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa 'yo kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko! Pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan? Ako'y nahihirapan uy, wala namang ganyanan! Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago! ♪♪

Aside from John Lloyd Cruz... meron pa kong natitirang addiction!!! Sino pa ba?? Ee di ang natatanging PAMBANSANG BANDA NG PILIPINAS!!! Ang Parokya ni Edgar!!!

“WOOOOOHOOOO!!! I LAB YUUU CHITO!!!!” Nakalimutan ko ng kasama ko si Sef. Nakalimutan kong marami palang tao dun sa concert hall ng barkong yun. WAAAAAAHHH!!! My gaaad!!! Wala ng pakialamanan toh!!! Parokya na pinaguusapan dito!!! At ngayon... kasapi na ko sa mga taong naghihiyawan at nagtatatalon sa bawat bagsak ng ulo ng malupit nilang drummer na si Dindin. Yak kala mo close kami!!! Biglang tinapat ni Chito yung mic sa audience at sabay-sabay naman kaming kumanta, “Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag 'i love you'!!! Kasi di na tayo tulad ng dati ngayon sa akin ay diring- dire!”

♪♫ ♪ Minamahal kita! ba't di ka maniwala?! Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo? Maniwala ka sana, minamahal kitaaaaaa! ♪♪

Miguel Josef Uy Monteverde was left standing alone at the wall, away from the crowd. Hindi naman siya mahilig makipagsiksikan sa maraming tao kaya hinayaan na niya si Ellie. He leaned against the wall sa likuran, katabi yung mga security guard na tila tumatango ang mga ulo kasabay din sa beat.

Sef smirked as he contentedly watched Ellie jamming with the crazy crowd. Natutuwa siyang panuorin ang dalaga, ibang klase ee... ngayon lang siya nakakilala ng kagaya nito. It was the first time Sef was ignored by his date. Every girl he went out with wouldn’t even dare do what Ellie was doing right now. Magsisigaw ng ganyan? Magtatalon? At maghihiyaw like a crazy fan girl?? He doubt it.

Nagulat nga siya ee. Mas pinili pa ni Ellie ang Parokya ni Edgar kesa sa kanya?? At meron pang nalalamang “I love you Chito” ang dalaga!!

♪♫ ♪ Minamahal kita! ba't di ka maniwala?! Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo? Maniwala ka sana, minamahal kitaaaaaa! ♪♪

The moment na natapos yung kanta, biglang bumukas yung lahat ng ilaw sa may audience. WAAAAAAHHH!!! Wag na wag magkakamali si Chito na magtawag ng volunteer, tatakbo talaga ko agad sa stage!!!

“Wow. Ang lakas ng energy ng mga tao dito a?”Sabi ni Chito after nung song. He placed a hand on his forehead, yung parang merong tinatanaw sa audience. His chinito eyes scanned the room then after awhile he gave a smile. “By the way, thank you so much for having us here guys.” Tiliaan naman kaming mga audience. “Last minute na nga kaming nasabihan para magperform dito ee. And the man behind sa lahat ng kaguluhang ito, yung lalaking may kasalanan kung bakit nagkanda ewan-ewan ang schedule namin??” I was clapping my hands. Totally unaware kung sino yun tinutukoy niya. “Walang iba kundi dahil sa matalik kong kaibigan...”Chito pointed at the back. Sabay-sabay na naglingunan yung mga tao kasabay ako. Sino kaya tinuturo niya?? It’s either yung security guard o si.... “Come on up here Miguel Josef Monteverde!!!”

HUWAT?? SI SEF??? B-best friends sila ni Ch-Chito??? Halos lumuwa yung mata ko sa gulat... at kulang na lang ata malaglag ang panga ko ee. At wala na kong nagawa pa ng doble ang lakas ng tilian ng audience the moment Sef stepped up on the stage.

Hindi man lang nagpakipot ang walang ya?? Talagang pumanik naman siya agad nuh?? Sana man lang naisip niyang kasama niya ko at sana pinapanik din niya ko?? Sana kahit papano sumagi sa isip niya nab aka gusto kong mameet ang best friend niya!!! AMP!!

Sef gave a wide smile, even waving a hand to greet the crowd. Infairness... napalunok ako... bagay kay Sef. Oo. Pramis. He looked good on the stage. He looked perfect under the spotlight. Good Lord, he looked like a living god who decided to set foot on earth!! Talo pa niya si Brad Pitt sa lakas ng tilian ng mga audience.

Nahiya naman daw ako bigla... tama lang pala na hindi niya ko sinama sa stage. Malaman pa ng mga tao na AKO kasama niya. Akalain pa nila dakilang alila ako ni Sef!!

Someone from the backstage handed a microphone to Sef at namatay na uli yung ilaw sa audience. “Pare, sige. Baba ka na ulit!”Biglang pabirong banat ni Chito. “Parang mas sikat ka pa saken aa?” The audience gave a hearty laugh. “Dahil jan... SAMPLE!! SAMPLE!!” Natawa naman daw ako kay Chito. Tama bang pangunahan ang audience?? Haha. Kulet talaga nitong idol ko!! Haha.

Sef shrugged, obvious na HINDI siya kinakabahan. Parang sanay na sanay siyang nasa stage at pinapanuod ng maraming tao. “Sample? Okay lang saken.”Sef said, yung boses niya cool na cool. “Basta ba duet tayo!”

“Sus. Yun lang pala ee. Oh, Vinci...” tumingin si Chito sa kabanda niya. “Pagbigyan na naten toh! Duet daw!” With that cue, bigla na ulit tumugtog ang banda. Alam ko yung beat na yan aa!!!

“Galingan mo Sef! Wag mo kaming ipapahiya!!” sabi ni Gab, yung rhythm guitarist ng parokya. Hindi obvious na close si Sef sa kanila nuh?? Kainis!!!

Bigla ba namang bumulong si Sef kay Chito. Tinakpan nila yung mga mic nila at nagtawanan saglit bago muling nagsalita si Chito “Oh para sa mga CLOWN jan, para sa inyo toh!!!”

♪♫ ♪ Wag ka nang magalala. Hinding, hindi SIYA inlab sayo. Bakit ba pakiramdam mo pa yata. Lahat kami ay naaakit mo... ♪♪

Sinimulan ni Chito yung unang verse, tinuro pa nga niya si Sef ng pagkabanggit niya ng siya. At dahan-dahang sumasara ang mga kamay ko, ready to punch!!! CLOWN? Ee nahiya pa talaga si Sef... sana sinabi na lang niya Eleonor Malicsi Dimaculangan!!!

Nagtatawanan na ang lahat ng tao!! Kapag babarilin ko kaya itong si Chito sa harap nila ngayon, tatawa pa din kaya ang mga ito?? Oo. Nakuu, wag mong sabihing idol ko si Alfonso “Chito” Miranda Jr.... basta kapag naiinis ako!! NAIINIS AKO!!! Walang Chito- Chito saken!!

♪♫ ♪ Miss, miss, pakitigil lang please ang iyong pagpapantasya. Hindi ka na nakakatuwa. Ipapagulpi na kita sa gwardyang may batuta. AAaaaa...yay yay yah..... ♪♪

Sa totoo lang, nagulat ako sa boses ni Sef. It was unexpected kasi nasa tono naman. Pero maaappreciate ko pa ba yun gayong nagdidilim na talaga paningin ko!! Sasabog ako sa sama ng loob, sa kahihiyan!! Sa tanan ng buhay ko... hindi pa ko naipahiya ng ganito... simula sa araw na ito!! WALA NA KONG KILALANG MIGUEL JOSEF UY MONTEVERDE!!! GRRRR...

♪♫ ♪ Hindi NIYA talaga ma-gets kung bakit ka ganyan. Ang feeling mo ay sabik sa iyo ang lahat nang kalalakihan. Sorry, pagpasensyahan mo na mali talaga ang iyong inaakala. Lahat kami ay nandidiri sa iyo ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento!! ♪♪

Ang kapal talaga niya!! Dapat nga ako ang kumanta niyan para sa kanya!!! Siya kaya itong laging pinagpupumilit na in love ako sa kanya!!! Siya tong nagmamayabang na patay na patay ako sa gandang lalaki niya. NAKAKAINIS!!!!

Hindi na maipinta sa sama ng loob ang muka ko. Halatang makakapatay nako ng tao!! ANG KAPAL NG MUKA NIYA!!! ANG KAPAL TALAGA!! Nararamdaman kong naninikip na yung dibdib ko sa galit. Marahan ng pumapanik ang dugo ko sa ulo. Sa mga oras na ito... gusto kong maging isang tigre o leon!!! Gusto kong tumalon papunta sa stage para lapain silang lahat lalo na ang MAYABANG NA LALAKING YAN!!

Ayoko na!! Hindi na maganda ang mga larawang pumapasok sa isip ko!! I quickly turned my back to leave. Yun na lang naman ang pinaka magandang gawin diba?? Ang mag walk out??

Ng malapit na ko sa pintuan, hinarang ako nung security guard. “Miss, di pa ho pwedeng lumabas.”

Itutulak ko na yung guard pero siya na mismo yung napa atras. Buti naman nahalata niyang gigil na gigil na ko pumatay ng tao. Pero kahit ako biglang napatigil ee kasi bigla ba namang nagiba yung chords nung kanta...

“Ayos!!” Nag-appear si Chito at si Sef. “Oh, nagvovocalize lang kami mga kaibigan!! Hahaha.”

Hiyawan mga audience. “MORE!! MORE!!”

“Oh, ito na... para sa nagiisang CLOWN dito!!” Sef smiled na parang nanalo siya sa isang matinding labanan ng asaran.

I froze before the guard and the moment I whirled around the stage... nawala lahat ng galit ko... nakalimutan kong gusto kong patayin ang Parokya at si Sef.

Pano ba namang hindi mawawala galit ko? Sef stood there on stage, holding the microphone at wala siyang ibang tinitignan sa audience kundi AKO!! Amazing isn’t? Parang alam niya talagang dito ako tatayo. Sa tabi ng guard. Sa tabi ng pinto. Don’t tell me, plano niya talagang asarin ako from the very start?? Ano ba Ellie, yan pa ba ang poproblemahin mo ngayon??

Gano man siya kalayo... ramdam na ramdam ko... as in... SAKEN LANG SIYA NAKATINGIN!!

TO BE CONTINUED.
♠ ♠ ♠
WOOOHOOO!!! SOUND TRIP NA TAYO GUYS!!! PUNO NG KANTAHAN ANG CHAPTER NA ITO!!!

PAGPASENSYAHAN NIYO NA MEJOOOO MAHABA ANG CHAPTER NA ITO. Putulin ko na lang. haha. Abot pa tayo part 6. Yung mga LYRICS kasi nagpahaba ee. Anyway, here it is. Nyahahaha.

Love-Nat Soundtrack
o1. Maniwala Ka Sana -- Parokya ni Edgar
o2. Silvertoes -- Parokya ni Edgar
o3. Sampip -- Parokya ni Edgar

You guys coould click the title. Ni-link ko yan sa Youtube para mapakinggan niyo din. hehe. Lalo na yung 3rd song. :)