Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 04. No ID, No Entry.

Kahit sa malayo… kilalang-kilala ko kung sino siya!!! Matagal ng nakatatak sa puso’t isip ko ang itsura niya! Yes, I could clearly see his face… He was standing there before me, looking so perfectly handsome. His face quite expressionless…

He didn’t utter a word as he took a step towards me. My goodness, si John Lloyd!! Oo mga kapatid, papalapit sakin si John Lloyd Cruz! Swear!!! Naku, mahal na mahal talaga ko ni Lord!!! Ano bang kabutihan ang ginawa ko para mabiyayaan ako ng ganito? At bawat hakbang niya ee pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. I remained standing there, stunned. I could barely even move… hindi ko magalaw ang mga paa ko… he was near at parang drums na ang puso ko sa bilis ng tibok nito. At sa di inaasahang pangyayari, John Lloyd Cruz gently wrapped his arms around my waist and pulled me close to him… yung muka niya sooobrang lapit saken… ito na nga ata ang tinatawag nilang A VERY SPECIAL LOVE… Dios ko… Utang na loob, ilayo niyo po ako sa kasalanan!!!

THUMP. THUMP.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Halu-halong emotion ang nararamdaman ko. I wasn’t sure what I was expecting him to do. Ang alam ko lang parang tatalon na palabas ang puso ko… at sooobrang init ng muka ko dahil sa sobrang pula… Tapos… tapos… biglang lumalapit ang muka niya saken I could already feel his breathe against my face… Naku isang KISS lang Lord, pramis, I’ll CHANGE MY LIFE, papakabait na talaga ako just give me ONE MORE CHANCE!!! Tapos… Sigurado ako… lalong papalapit na ng papalapit ang mga matatamis niyang labi… :-*

Di ba sa mga palabas pinipikit ng mga leading lady ang mata nila? So, pinikit ko ang mga mata ko… a minute or so… the kiss never came… bakit kaya?? Antagal naman o!!! Ano bang nangyari??? Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko…

In my horror, hindi na pala si John Lloyd Cruz ang nasa harap ko… eh di sino pa? Wala ng iba pa kundi ang ubud ng yabang na si Miguel Josef Uy Monteverde!!! Wala na kong nagawa dahil konting-konti na lang magdidikit ng muli ang mga labi namin… OH NOOOO!!!! Pumikit ulit ako and another minute passed… wala ulit nangyari… dahan-dahan ko ulit binuksan ang mga mata ko only to be greeted by the LARGEST, GREENEST FROG I have ever seen. Hesus Maria Josepa, naging palaka si Miguel Josef Uy Monteverde!!! Inay ko po!!! Kumaripas tuloy ako ng takbo pero ang lalaki ng talon niya at patuloy akong hinahabol ng higanteng palaka… wwwwaaaaaahhh…
ng biglang nagsalita ang palaka:

Em-Em: Ate Ellie!!! Ate Ellie!!! Gising na oi!!! Late ka na!!!

Parang boses yun ni bunso aa?

Em-Em: Ate Ellie!!! Gumising ka na daw sabi ni mama!!!

Ako: (nag-unat) Huh?

Em-Em: Oi Ate Ellie!!!

Napa-upo na ko sa kama… argh… so panaginip lang pala ang lahat ng yun???

Ako: Aaaahhh… (naghikab) Anong oras na ba???

Em-Em: Naku, 7:00 na!!!

Ako: WWWWWWWWAAAAAAAAAHHHH!!! ALAS-SIETE?? Sheet!!!

Halos tumalon na ko pababa sa kama. Di ako pepwedeng ma-late. Law ang una kong subject ngayon at last time na-late na ko sakanya dahil sa pag-potchi ko nun… hindi na ko pwedeng umilit kundi…

Ako: Bakit ngayon mo lang kasi ako ginising??

Em-Em: Isang oras na kaya kitang ginigising ate!! Naku, tulog mantika ka kasi ee… tapos kung sinu-sinong pangalan pa tinatawag mo!! Susumbong kita kay Papa… siguro boyfriend mo yung Miguel nuh???

Nanlisik ang mga mata ko sa kapatid kong babae sa pagkakabanggit niya ng pangalan ng mayabang na yun!!!

Ako: Tumigil ka nga EM!!!

Tumakbo na palabas ng kwarto ko si Em habang tumatawa…

Ako: (syempre hinabol ko siya palabas) Bumalik ka dito!!!

Em-Em: Hahaha.. si Ate may BOYFRIEND na!!!

Nakaabot kami hanggang sa kusina at nang nahuli ko siya tinadtad ko siya ng kiliti…

Eddy: Ano?Tama ba naririnig ko? BOYFRIEND? Haha.

Em-Em: Hahaha… Si- hahaha - M-Miguel… daw!!

Eddy: Miguel pa aa? Talaga Ate? Papamisa ako pag totoo yan!!! Alam ba niyang boyfriend mo siya???

Ako:
Sira!!

Eddy: hahaha. Mabuti yan. Ipagpatuloy mo lang yang kay Miguel mo!!

Haii… ganito lang naman lagi ang umaga dito sa bahay. Kung ganito ka baliw ang anak ee pano pa ang pamilya diba??

Sabi ko naman sa inyo, simpleng pamumuhay lang kami… Kung di niyo pa alam, ako nga pala ang panganay saming tatlong magkakapatid, si Eddy ang natatanging lalaki at pangalawa saken at syempre si Emistella ang bunso. Pag pinagtabi-tabi mo kami, parang si Eddy ang panganay dahil sa tangkad niyang 6 foot, although isang taon lang naman ang pagitan naming dalawa. Si Emz naman ee 13 years old palang pero halos kasing tangkad ko na din. Oo na, ako pa man din ang naturingang Ate pero ako pa tong pinaka maliit samin.

Mama: Eleonor!!! Kumain ka muna ng almusal bago ka maligo! Bilisan mo at tumatakbo ang oras!! Puru ka kasi puyat!!

Ayan naman ang mama ko!! Naku, yan ang the best na nanay sa mundo kahit mejo maputak. Kakaiba yan, dahil kumpara sa ibang mga magulang, pangarap na pangarap na niyang magkaroon ako ng nobyo!!! At para sakanya di bale ng bagsak ako wag lang akong magugutom. Oha!! Ganyan magmahal ang nanay ko!!! Lagi kaming binubusog!!!

Papa: Oh, may baon ka na ba Eleonor?

At ito naman ang papa ko, isang batikang mekaniko! Walang sasakyan ang hindi maaayos ng papa ko!!! Ha, siya ata ang No. 1 na tatay sa mundong ibabaw. Kumpara ke mama, mas galante yan!!

Em-Em: Haha. Si ate oh, may Miguel na ngayon!!! Sino yun ha? Ha?

Mama: (nakangiti) Sabi ko sayo daddy, dalaga ang panganay natin!!

Papa: (nakasimangot) Sinasabi ko sayo, unahin mo muna ang pag-aaral!! Wag ka munang mag-aasawa!!

Dios ko… E kung pagbababarilin ko tong mga toh??? At nakakaloka ang papa ko, ni wala nga akong boyfriend ee magaasawa pa kaya?? Ahh… ewan!!! San ka nakakita ng pamilyang ganito?? Yung tipong ipagtulakan ka ng magka boyfriend?? Yung tipong kulang na lang ipagbili nila ko sa lalaki?? Haayyy... Basta papasok na lang ako!!!

Dali-dali akong umalis ng bahay, nakalimutan ko na nga din magsuklay kakamadali ee. At kapag minamalas ka nga naman ee ubud pa ng trapik!! Mga ten minutes na kong late at dali-dali akong naglalakad pag-baba ko ng jeep. Napaka haba ng pila sa may gate dahil si Manong Guard nga ee todo inspeksyon. Binuksan ko bag pack ko, kinapa ang ID ko… at para kumpletuhin ang napaka malas kong araw ee… naiwan ko pa ID ko sa bahay!!! Lagot ako nito kay Manong Guard. Naku super daig pa nun ang body guard ni President-elect Noynoy Aquino at ni President Obama!! I swear!! Ayaw magpapasok nun sa gate kapag naka-tsinelas o naka-shorts ang istudyante. Ni-langgam nga ata ee hindi makakalagpas sa mga nanlilisik niyang mata dahil hindi naka-uniform ang mga ito!!! Oo mga kapatid, kinakailangang complete uniform bago ka makatapak sa Matute University of the Philippines.

Bahala na… dating gawi na lang… Hindi naman kasi ito ang unang beses na naiwan ko ang ID ko sa bahay, sa katunayan nga ee madalas ko itong hindi dala… Nung ako na ang sumunod sa pila, nanlaki mata ni Manong Guard, obvious bang kilala na niya ko??? Kulang na nga lang ata ee mag-post siya ng litrato kong may WANTED sign sa buong campus.

Parang may usok na lumalabas sa ilong niya ng magkatitigan kami. Kala mong may mga kuryenteng nagiispark. Tumaas ang kilay niya at humarang agad sa daanan na para bang makikipag laro sakin ng patintero.

Manong Guard: Hindi ka na makakatakas sa kin ngayon!!!

Wala akong imik, tinititigan ko lang siya. Tumayo lang ako dun at nainip na lalo ang mga istudyanteng naghihintay sa likod ko.

Student 1: Oi!!! Ano ba yan? Anong oras na oh?

Student 2: Kuyaa... male-late na kami!!! Bilisan niyo naman...

Nawala ang concentration ni Manong Guard at ngumiti ako sa kanya bago tumakbo ng matulin na matulin palampas sa kanya...

Ako: Galingan mo pa sa susunod Kuya!!!!

Manong Guard: Anong, HOY... bumalik ka ditooooooo!!!

At naulit uli ang ginagawa naming habulan ni Manong Guard. Sabi ko naman sa inyo matindi tong security guard namin, hindi toh basta basta nagpapatalo... madalas kaming naghahabulan ng ganito paikot ng buong unibersidad at ni minsan hindi pa niya ko nahuhuli...

Patuloy ako sa pagtakbo sa hallway na punong-puno ng mga istudyante... halos itulak ko na silang lahat just to make way... aba matter of life & death na 'toh, pag nahuli talaga ako siguradong death penalty ang sintensya ko!!! At si Manong Guard naman, todo sa pag-hipan ng pito niya, taas-taas pa ang baston niya.

Manong Guard: Eleonor Malicsi Dimaculangan!!! Ay ordeer yu two istop!!!

Oh diba? Bongga si manong guard!!! English speaking pa yan!!!

Pagpanik ko ng third floor, halos wala ng tao sa hallway... tumingin ako sa relos ko, halos twelve minutes na kong late sa klase... lagot na ko nito... bigla ko nanamang narinig ang papalapit na pito ni Manong Guard at dali-dali akong lumiko sa left wing. Haiii... wala talagang kapaguran 'tong si...

Katulad nung nangyari sa Eastwood, may humablot nanaman sakin mula sa likod…

Sef: Sssshhh…

WWWWWAAAAAAAAAAAAAAhhhhh... SIYA NANAMAN???? Nakakairita talaga tong asungot na toh!!! KAINIS!!!

Maya’t maya ng sigurado na kaming wala na si Manong Guard…

Sef: Bakit ba lagi na lang may humahabol sayo??

Ako: Ee ikaw? Bakit ba lagi ka na lang PRESENT pag may humahabol sakin? Stalker ba kita? Ha? Ha?

Tumawa siya ng malakas as though he finds me too amusing. At sa pangalawang pagkakataon, he pushed me against the wall, his face suddenly serious.

Sef: (super seryosong muka) Bakit gusto mo ba kong maging STALKER mo??

Nakakainis talaga siya!!!! Ano bang tingin nitong mayabang na toh sa sarili niya???

Ako: hahaha. Wag mo ng tangkain Mr. Monteverde! Kahit ikaw na lang ang natatanging lalaki dito sa mundo, HINDING-HINDI ako magkakagusto sa isang kagaya mong saksakan ng yabang na walang ibang talent kundi ang mag-maniac!!

Sef: Ows? Talaga lang aa?

He was moving his face closer again this time… ang lapeeet nanaman ng muka niya… Bumilis ang tibok ng puso ko… hala… ano ba toh?

Sef: Haha. Di naman masyadong obvious na HINDI ka pa nakaka get over sa halik ko!!

Ako: Anong… (galit na!)

Sef: Baka nga gabi-gabi mo pa din yung iniisip ee… diba?

Ako: (namumula na ko) Napaka ambisyo mo naman!!!

At bigla kong naalala ang panaginip ko kaninang umaga!!!! Wwwaaaahhh… sheet!!! Hindi ako papayag na ganituhin lang niya ako!!! Hinding-hindi!!!! HUMANDA KA SAKIN NGAYON!!!! Buwahahahahaa…

Sef: Alam mo Ms. Dimaculangan, the more you hate… the more you love!!

Ako: Hoy, Mr. Monteverde! (smirks) Alam mo din ba yung reverse psychology? Hindi kaya IKAW talaga ang may gusto saken???

Sef: Haha. So psychologist ka na din pala ngayon? Pero hindi naman ata pepwede yun! Ang isang gwapong lalaking kagaya ko? Magkakagusto sayo? Yan ang tinatawag na PANGARAP!!!

Aba… at talagang hinahamon ako ng mayabang na toh!!!

Ako: Masyadong kang madaldal… e di alamin na lang natin!!!

Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at nagawa ko ang mga sumusunod…

Hinablot ko ang neckline shirt niya and pulled him close para halikan siya… Oo mga kaibigan… I KISSED HIM!!!

Ako: Oh ayan!! E di, QUITS na tayo!!!

Sabay irap ang lola niyo!!! Iniwan ko nga siya dun. But this time, siya naman ang gulat na gulat…

Oh e di ano ka ngayon Miguel Josef Uy Monteverde??? BUWAHAHAHAHAHA…

Sakin pa din ang huling halakhak!!! SA AKIN!!! BUWAHAHAHAHA…

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌