Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 05-1. Hubad na Katotohanan.

Wednesday.
Classroom. Room 261.
11:30 am


Sa buhay ngayon maigi ng maging praktikal. Dapat marunong tayong humarap sa mapait na realidad ng buhay. Matagal ko ng alam na hindi lahat ng TANONG sa mundo ay may kasagutan at karamihan naman sa mga kasagutan ay wala naman talagang kinalaman sa mga tanong.

Kaya naman kesa pahirapan ko pa ang sarili ko sa kakatanong kung BAKIT ko nga ba hinalikan pang muli ang lalaking yun? ee mas maigi pang magpatay malisya na lang. Kita niyo na sinasabi ko? Tayo lang rin naman kasi ang nagbibigay ng problema sa ating mga sarili. Kaya tularan niyo na lang ang isang kagaya ko. Wala na kong balak pang gulugin ang isip ko… para sa akin bali wala na ang mga halik na yun. Wag ng problemahin ang mga maliliit na bagay na kagaya nun… tama ng nakaganti ako.. haha.

Haii… kung merong mga tanong na walang sagot syempre meron ding mga katanungan na walang kakwenta-kwenta… kagaya nito:

Professor: Ms. Dimaculangan! What can you say about the picture?

Oh diba? Ako nanaman ang nakita ng abogada kong propesor. Halos parang zombie na nga ang buong klase dahil sa takot sakanya. Ayaw kasi niya ng maingay, ayaw niya sa mga istudyanteng nakangiti, nakatawa… kaya napaka masokista nito… gustong-gusto niyang pinapahirapan kaming mga istudyante niya. Kulang na nga lang ata na ipagbawal niya ang paghinga sa klase niya!

Napakamot ako ng ulo at tumayo para sumagot. Diyos ko naman diba? Kahit naman grade 1 alam ang sagot sa tanong na yan!! Grabe naman tong propesor na toh… naturingan pa man ding abogada. Yung picture lang naman kasi sa screen ee isang katutak na itlog na may iisang manok!!!

Professor: Again, Ms. Dimaculangan!!! What can you say about the picture?

Ako: (seryoso) Uhm… simple lang ma‘am… (confident na confident pa oh!) Alagaan ng maigi yung manok para mangitlog ng mangitlog???

Classmates: PPPffffftttt…. hahahahahahahaha…

Naghalakhakan ng malakas na malakas ang buong klase. Nabasag ang nakakabinging katahimikan. Napakamot ulit ako sa ulo. Sira pala tong mga toh ee… tama naman ako aa? How stupid naman nitong mga classmates ko. Syempre pano mangingitlog ng marami ang manok kung hindi mo ito aalagaan ng mabuti?

Japo: Nice one Ellie.

Borge: Benta!

Meg: Oo nga naman.

Di ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Ano ba naman kasi ang koneksyon ng mga itlog sa taxation diba?

Professor: KWAAAYET!!!

Parang naging super saiyan si mam sa galit. Nanahimik agad ang mga classmates ko at muling nabalot ng katahimikan ang classroom.

Professor: Dimaculangan. GET OUT OF MY CLASS!!

Ako: Po??

Professor: GET OUT!!!

Ako: Talaga po? (smiles)

Professor: GGGRRRrrr.. GET AWT!!!

Duh!! Sandali lang diba? Lalabas naman talaga ako ee. Masyado naman tong apurado nakita naman niyang napaka bigat ng bag ko may dala kasi akong pangtraining sa soccer mamaya. Para ng tigre si mam kaya’t dali-dali kong binuhat ang bag ko at lumabas sa classroom!! Sheet… hindi ko alam na may kabutihan pa palang natitira sa prof kong yun. Biruin mong idismiss ako ng maaga??

Naku, napaka bastos mo talaga Eleonor!! Ni hindi ka man lang nag-thank you!!! AMPF!!

Haii… sa mga ganitong pagkakataon… dumidiretso agad ako kela Lolo Perding. Oo. Siya yung matandang pulubi na nakatira na halos sa labas ng gate ng Matute University of the Philippines. Siya lang naman yung taga bantay ng mga magagarang kotse ng mga propesor namin kasi may carpark dun sa labas. So ayun… pag dating ko dun, niyaya agad ako ni Lolo Perding maglaro ng chess. Ito ang madalas naming laruin. Tansan at bato lang ang gamit namin at karton na dinrawingan lang ng kahon.

Lolo Perding:
Ano nanaman ang ginawa mo ngayon? Bata ka…

Ako: Ee sinagot ko lang naman ang tanong nung abogada kong prof.

Lolo Perding:
Tapos pinalabas ka?

Ako: Opo.

Lolo Perding: Ibang klase din ang mga titser niyo ngayon ano? Nagpapalabas ng istudyante pag tama ang sagot!!!

Bigla namang humirit ang batang palaboy na si Butchoy (16 years old)…

Butchoy: Isa lang ibig sabihin nun Ellie… hindi mo na daw kasi kailangan magaral!! Masyado ka na daw kasing magaling!!!

Si Butchoy naman ang certified pala-BOY ng MUP. Kasa-kasama niya lagi si Totoy (10 years old). Hindi sila magkaano-ano pero parang magkapatid na ang turingan ng dalawa. Madalas silang nagpupunta din dito sa carpark para tumulong din ke Lolo Perding sa pagbabantay ng mga kotse. Mas malaki daw kasi ang kita nila dito kesa sa pag lilimos.

Alam kong wala naman akong kotse na ipapark dito pero wag niyo ng tanungin kung paano ko naging kabarkada ang mga taong ito… basta ang alam ko… simula first year ka-tropa ko na sila… haha.

Totoy: (nanunuod lang sa laro namin ng chess) Henyo si Ate Ellie??? Ee tignan mo nga… halos nakain na ni tatang yung mga pamato niya oh!!!

Ako: Anak shota… ikaw kahit kelan ka wala kang bilib sa Ate Ellie mo ee… tsk tsk… (smiles)

Butchoy: Hoy, Totoy!! May mag-papark oh!! Wag mo sila guluhin jan, hindi makapag konsentreyt yang si Ellie!!!

Totoy: Pagbalik ko siguradong talo na yan!!! hahaha.

May bakanteng parking lot pa sa tapat namin kaya naman doon na pinapark ni Totoy yung may-ari ng dumating na black na Fortuner. Seryosong-seryoso na kami ni Lolo sa paglalaro nakain na niya karamihan sa mga pawns ko.

Sa totoo lang… dapat kanina pa ko panalo… pero kasi… hindi ko alam… natutuwa kasi ako kapag nakikita kong nakangiti itong si Lolo Perding. Naku, halos tumalon yan sa saya sa tuwing nananalo siya sa simpleng laro lang namin ng chess.

Narinig ko na ang pagsarado ng pinto nung kararating na Fortuner at tumunog na ang automatic lock nito. Bumaba na ang may-ari at sinabing:

Lalaki: Oh, boy! Kaw na bahala dito aa?

Totoy: Opo boss!! (sumaludo)

Lalaki: Sige. Sala -- (napatingin kela Ellie at Lolo Perding, tapos lumapit)

Napatingin tuloy ako sa lalaking nakatayo dun sa harap namin ni Lolo Perding. Grabe naman tong lalaking ito kung makalapit aa? Pero in fairness aa??? Kung sino man siya… siguro pinangpapaligo niya ang pabango… dahil soooobrang bango niya.

Pag tingin ko…

Sef: Dimaculangan??

Ako: Huh?

I wasn’t expecting to see him of all people… napaka WEIRD talga dahil parang tumalon yung puso ko bigla.

Sef: Haha. Anong ginagawa mo jan?

Ako: Bulag ka ba? Never heard of CHESS? DUH!!

Nagkatinginan sila Butchoy, Totoy at Lolo Perding.

Butchoy:Shocks. Ang taray!!

Totoy: hahaha..

Sef: Ee ano ba’t ang sungit mo??

Ako: SHATTAP!!!

Sef: Aaah. Gaganyan ka pa aa? If I know, gusto mo lang ulit maka-kiss sakin!!!

Ako: (namula) HOY MONTEVERDE!!! Kahit magmakaawa ka pa jan… HINDING-HINDI mo na matitikman ang mga LABI ko!!!

Sef: Talaga? Baka ikaw nga jan ang lumuhod at maglumpasay para lang sa HALIK ko!!

Totoy: Hala… bakit sila nagaaway?

Lolo Perding: Ganyan talaga ang mga magka-SINTAHAN ngayon. Parang aso’t pusa. Tapos maya-maya parang tukong hindi mapaghiwalay.

Napatigil kami ni Sef at sabay na napatingin kela Lolo Perding.

Ako at Sef: Hindi ko boypren (girlfriend) yan!!!

Butchoy: Kaya nga ee, parang nakakaduda… si Ellie??? May boypren??? (nasusuka)

Ako: Loko ka Butchoy!!!

Sef: Bakit ka ba kasi nandito? Tapos na klase niyo?

Ako: Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang MAGTANONG??? Hmpf.

Totoy: Aah sir. Pinalabas kasi siya ng titser niya!!

Sef: PPPPfffftttt… hahahahaha… talaga? Kakaiba ka talaga… (umiiling-iling)

Ako: Naku, bahala ka nga jan!!! Kainis!!!

Tumalikod na ko para umalis ng hinawakan ni Sef ang kamay ko…

Sef: O cge, cge… sandali lang… hahaha… masyado talagang mainitin ang ulo mo… Halika na… papalamigin natin yan!!!

Nanlaki pare-pareho mga mata namin nila Butchoy, Totoy at Lolo Perding… Tama ba rinig naming apat???

Ako, Butchoy, Totoy &Lolo Perding:
Ano??? HALIKAN NA???

Ako: Sabi ko na nga ba ee… may pagnanasa ka talaga…

Sef: (namula) Sabi ko halika na!!! As in TARA NA!!!

Ako, Butchoy, Totoy& Lolo Perding: Aaaaaahhh…

Butchoy: Sayang… kala ko pa naman…

Lolo Perding: Sige na… sige na… kung may gagawin pa kayo… Humayo kayo’t magpakarami!!!
Hesus Mariang mga bata ito…

At namula na lang ang muka ko habang tumatawa si Sef.

Sef: Oh, magpakarami daw tayo!!!

Ako: Huh? Magisa ka!!!! (At Naglakad na ko papalayo pabalik sa campus.)

Sef: Teka lang… di naman ako dadami ng magisa lang nuh!!!

Ako: EWAN SAYO!!! MANYAK!!!

Kahit anong taboy ang ginawa ko sakanya… nasa gilid ko pa din si Sef at tawa lang siya ng tawa habang nakikipag-away sa akin… obviously, nag eenjoy siya… ang weird talaga nitong loko na toh… super ba siyang naeeentertain sa akin?

Magkatabi kaming naglalakad sa campus at nahalata kong halos lahat ng kababaihan at kasama na din ang mga BINABAENG populasyon ng MUP ee talagang nakatingin kay Miguel Josef Uy Monteverde na para bang handa na silang kainin siya ng buong-buo. Kahit hindi nila sabihin nababasa ko sa mga mata nila ang iisang salita: “YUMMY”

Yummy daw tong manyak na toh??? Sus. Grabe talaga… ni wala nga akong makitang ka-Yummy Yummy sa kanya ee… naku talaga…

Karamihan naman ee nag-hello sakanya… oo nga pala, malamang sa malamang kilalang-kilala siya ng buong MUP dahil sa ginawa niyang party sa Eastwood last week.

Maya-maya pa ay pinaikutan na siya ng mga babae… haii mabuti naman… wala ng manggugulo saken. Kaya naman iniwan ko na lang siya basta dun. Hmpf.

Mga halos lunchtime na ng muli kong nakita ang mga loka-loka kong barkada sa may hallway…

Borge: Mabenta ka kanina ke Mam, Ellie!!! Hahaha.

Ako: Pakyu ka Borge!!

Meg: Antaray pa ng pagkakasagot mo!

Sara: Bakit ba? May point naman talaga ang sagot ni Ellie aa… kayo talaga…

Meg: Aah. Kaya pala pinalabas na lang siya ni mam. Haha.

Ako: Oh tama na nga yan, tapos na yun!!!

Jill: Teka… bakit nagkakagulo ang mga tao dun??

Borge: Huh? Saan?

Jill: Ayun oh. May artista ba??

Sara: Huh. Ee bakit doon sila nagkakagulo nandito ako.

Meg: Haha. Loka-loka.

Borge: Baka si John Lloyd yun Ellie!!!

Hay naku… kung alam niyo lang kung sino yun!!! Nakatitig na sila at pilit hina-hanap ang wala naman dun. Kaya bago pa nila makita si Sef, iniba ko na agad ang usapan.

Ako: Oh Borge aa. Mamaya may training pa tayo ng soccer.

Borge:Huh?? ANO??? ANONG TRAINING???

Ako: DUH!!! Nagsign-up tayo sa try-outs kahapon diba? May training tayo mama yang 4:00.

Borge: SHEEET!!! Oo nga pala!! WALA AKONG DALANG PANG-TRAINING!! Nakalimutan ko Ellie!!!

Ako: Ah. Ganun ba? Oh kalmutan mo na din na magkaibigan tayo!!!

Borge: WWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! ELLIE!!! Huhuhuhu, sorry na!!! Nawala kasi sa isip ko ee…

Ako: Lagi naman. Kaw tong hagyaya na sumali tayo tapos…

Borge: Hahaha. Ayos lang yan. Mag-training ka na!!!

Ako: Gagu. Alam mo naman na hindi ako pwede pag WALA ka!!!

Borge:Aww.. Tol talaga… (yumakap saken)

Sara, Meg, &Jill: Eeww..

Meg: Ang cheesy niyong dalawa!!! Haha. Umayos nga kayo!!!

Sara: Magtraining ka na Ellie. Ano ka ba? Sayang naman yang mga dala mong damit.

Borge: Oo nga. Kahit na alam nating dalawa na walang Ellie pag walang Borge.

Ako: Leche ka! Haha.

Borge: Alam mo tol, para kasi tayong pinagbiyak na inidoro!!

Ako: ANO??

Borge: Oo tol, ikaw yung inodoro!! At ako naman yung laman!! Oha!!!

Natawa na lang kami pare-pareho sa sinabing ito ni Borge… loka-loka talaga toh kahit kelan. Pero pumayag na din ako kahit ako na lang mag-isa… tama si Sara sayang lang yung dala kong damit kung di ako magpapraktis.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌