Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 39-2. Asaran Blues.

Kapag Christmas, talagang pinaghahandaan ng mga Tito’t Tita nila Ellie ang araw na ito. They would spend time & money with the foods, with the games, sa mga regalo, at premyo. Meron silang program, merong ice breaker. Walang hiya-hiya sa kanila. Kanta kung kanta, sayaw kung sayaw. And it was the first time Miguel Josef Uy Monteverde experienced such event. A family event that is.

Sa totoo lang, Sef dated a lot of girls. A lot, meaning lots & lots & lots of girls. Iba-iba. Mula sa mga pa-cute na sobrang insecure, mga smart rich girls na masaya rin namang kasama, mga magagandang super model-like ang features, hanggang sa mga flirt na super girly na party animals na tipong sa eastwood na nakatira, mula sa mga simpleng babae hanggang sa mga pa-shy lang sa simula. Sobrang dami na. At sa lahat ng yun, madalas pinapakilala siya sa mga pami-pamilya nila. So, truth be told, hindi ito ang first time na naipakilala siya sa buong angkan. But this, however, was the first time he had so much fun. Yung parang siya lang talaga si Sef, hindi siya yung mayamang kelangan ng VIP treatment. Hindi siya isang Monteverde na kailangan i-please lahat ng tao, yung tipong ija-judge siya even the smallest move na gagawin niya. Kahit nga ata pag-hinga pinagmamasdan siya ng mga tao. Dito kela Ellie, it’s just him. He talk, he smile, he laugh without being criticized, without being judged. Siya lang si Sef. No more, no less.

Natuwa pa nga siya lalo dahil sinali siya nila AJ at Em-Em sa iba’t ibang games, sa TALONG GAME, sa CATCH MY BIRDY, oo ganyan ang mga title ng laro, si AJ at Agnes ba naman daw ang nag-isip ng mga games na yan ee. Well, what can you expect? Pangalan pa lang enjoy na what more kung nilaro diba? Haha. And sure thing, Sef enjoyed every minute of it. Twice pa siyang nanalo at nakakuha ng premyo. Yung isa 500 na cash, yung isa naman alarm clock.

Nag-laro din silang dalawa ni Ellie as pair pa nga ee, sa larong ANG MANSANAS NI EBA. It was the familiar game of eating the apple na naka-sabit sa string without using your hands. Pinaganda lang talaga nila AJ yung pangalan. Hahaha. They won of course, dun nga niya nakuha yung 500 na cash price.

Walang tigil naman sa kakatanong sa kanya ang mga pinsan ni Ellie na sila Agnes, Mae at Anna. Si Ate Karla naman panay lang ang asar sakanila ni Ellie. Syempre, na-meet din ni Sef ang kapatid na lalaki ni Ellie na si Eddy.

He was a nice guy. A year younger lang pala kay Ellie. Mabait siya, mapagbiro at masayang kausap. Madali nga silang nagkasundo nito kasi nga hilig din ng binata ang mga kotse. Pinakita pa nga ni Sef ang dala-dala niyang Pajero na naka-park lang sa labas ng bahay.

“Wow. Okay tong wheels mo Kuya.” Eddy said ng silipin nito ang loob ng kotse ni Sef. “Good condition aa?”

“Uh, yeah. Still brand new. Christmas gift sakin ng lolo ko.”

“Nice. Haha.” Eddy was grinning excitedly while running his hands sa manibela. Naka-upo na nga siya sa may driver’s seat. Bawat haplos kala mo pagmamay-ari na niya yung Pajero. “Cool.”

“Wanna try it for a spin?” Alok ni Sef, offering Eddy his car key.

“Talaga?”

“Yeah, sure. Just make sure iingatan mo.”

Aabutin pa nga lang ni Eddy yung susi when Ellie came ruining the moment. “Ed, ano yan? Bumaba ka nga jan!”

Parang batang napahaba ang muka ni Eddy. “Ate namaaaaan!! Pajero toh!! Pajero!! Ipapa-drive lang sakin!!”

“Bababa ka jan? O bababa ka jan?” As if binigyan niya ng choice ang kapatid. Haha.

Inis na nagkamot ng ulo si Eddy, pero agad naman itong sumunod sa Ate niya. “Tsk. KJ ka talaga Ate ee.”

“Hindi sayo yan, baka mamaya madisgrasya ka pa. Paskong-pasko.” First time niyang nakitang ateng-ate si Ellie.

Sef smiled and patted the young man on his back. “Yaan mo, next time! Dalin ko yung race car ko.” He whispered.

Napangiti ulit si Eddy. “Sige ba Kuya! Haha.”

Nang makapasok na sa loob ng bahay si Eddy, tumingin si Ellie kay Sef. It was a warning sign. “Ok, ok. Hindi ko na po papag-drive ang kapatid nyo.”

Biglang lumapit ang dalaga sakanya and spread her palm before him. Napataas tuloy ang noo ni Sef. “Huh?”

“Yung susi,” Ellie said simply. “Akin na.”

Walang sino man ang nakapag-utos ng ganyan sa isang Monteverde. Wala. It was the first time someone gave him a direct command. Nagkatitigan pa muna silang dalawa. Ellie was not going to accept NO for an answer. At sa hindi maunawaang dahilan, Sef handed his key to her without complaining.

Ellie grinned triumphantly. “Game.” She then said habang papanik sa driver’s seat. “Tara na!”

“A-a-anong...” Kinabahan agad ang binata.

“Drive test ko muna bago i-drive ng kapatid ko nuh. Haha.” Natawa na lang si Sef. God, this girl is just unbelievable.

Agad-agad sumakay si Sef sa passenger’s seat. And he has to admit, kinabahan siya ng bonggang-bongga. “Marunong ka bang mag-drive?” Yun ang una niyang natanong sa dalaga. Balak na niyang pababain ito at sabihing next time na lang.

Kung kay Ellie, buong mundo na niya ang laptop niya... para kay Sef lahat ng kotse niya GIRLFRIEND niya. And ever since, wala talaga siyang tiwala sa mga babaeng nagda-drive!!

“Sus. Ako pa!! Haha.” She started the engine, tinapakan ng malakas yung gasolina and when Ellie changed the gear to one, nag-jolt yung kotse ni Sef at namatayan agad sila ng makina. Namutla si Sef. “Hahaha. Joke lang.” She smiled playfully at him.

Pinagpawisan lalo ang binata. Hindi siya napangiti sa joke na yun. Gusto na niyang pababain agad si Ellie. But she glared at him ng sinabi niyang wag na lang. And she stubbornly restarted the engine. This time, umandar na sila ng maayos. “Bibili lang tayo saglit ng yelo dun sa isang kanto.”

“Kanto? Hindi ba pwedeng lakarin na lang?”

She laughed. As in tawang-tawa ang dalaga sa itsura ni Sef. “Easy ka lang, marunong akong mag-drive. Ito epekto kapag batikang mekaniko ang papa mo. Haha.” Ang hindi alam ni Sef, kung adik sa kotse si Eddy, mas adik lalo ang ate.

Matino naman silang nakarating sa bilihan ng yelo. At nag-away pa ulit sila dahil pinipilit ni Sef na siya na ang magda-drive pabalik. Pero syempre, nag-wagi pa din si Ellie. Ginamitan niya ulit si Sef ng SILENT TREATMENT. Hindi nakatiis ang binata, “Sige na, ito na. Sabi ko nga, ikaw na mag-drive pa balik ee.”

She laughed. “Alam mo, hindi talaga kita pwedeng maging boyfriend.” Nagulat si Sef sa biglang sinabi ni Ellie. “Mukang magiging spoiled ako sayo ee.”

“Talaga?” Sef laughed. “Hindi rin kita pwedeng maging girlfriend.” This time, si Ellie naman ang nagulat. “Mukang mananaba ako sa inyo.”

And they both ended up laughing.

---------------------------------------------------

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Sheet na malagkit!! Sabihin niyo nga sakin, meron bang paraan para matigil ang lahat ng ito?? Lahat ng nakikita ko... si Sef. Lahat ng naririnig ko... puro si Sef!! Lahat ng naaamoy ko... for the first time hindi pagkaen ee... kundi si Sef pa din.

GGGAAAAAD, parusa ba ito??

As much as I tried to take my eyes off of him... walang effect ee, puro siya lang. As in SIYA lang. As if SIYA lang ang nageexist sa mundong ito. Kelangan ko pang magnakaw ng tingin sakanya habang kumakain siya katabi ni Em-Em at AJ, habang naglalaro ng parlor games... And everytime I would catch his eyes, agad akong iiwas ng tingin. Hindi ko carry na makipag titigan sakanya?? How could that even be possible??? WHOA SHEET!! Naririnig mo ba sarili mo Ellie?? Punyemas, ito na ba yun?? Ito na ba ireregalo sakin ni Santa ngayong pasko?? Sheet naman, wag naman... I’ve been a good girl, hindi ko naman ata deserve ang isang Monteverde... sakit lang yan sa puso, sa ulo... sa lahat na!!

Lord, wala naman toh sa usapan natin diba??

Noon, tanging hiling ko lang ke Lord biyayayaan niya ko ng asawa kapag nasa edad 25 na ko. Hindi ako demanding, sabi ko nga, kahit simpleng lalaki lang. Hindi gwapo, hindi din naman panget. Okay na saken yung masipag, mabait, atchaka yung siguradong HINDI ako gugutumin. Hahaha. Hindi nga boypren hinihingi ko ee, ASAWA na lang agad. Hahaha.

Ayoko mang aminin pero... I’m actually having FUN!! Si Sef din kaya?? Haha. Well, I would love to think na OO kasi hindi nawawala yung ngiti niya sa muka.

PAKSYET!! KELANGAN KO NA ATANG I-UMPOG ANG ULO KO SA PADER!! Easy ka lang Ellie, IGNORE MO LANG!! WAG KANG MASYADONG MAGPADALA SA MGA PANG-AASAR NG MGA PINSAN MO!! Maghunus tili ka lang.

Control.

Halos lubog na ang araw pero hindi pa din tapos ang Christmas Party dito sa bahay. I was still watching Sef, who was standing by the corner laughing his heart out habang nagpapalaro ng HULAAN SA DILIM si AJ. Kita niyo naman ang kagagahan ng pinsan kong yan, talagang ginawan pa niya ng pangalan ang mga parlor games niya.

Yung HULAAN SA DILIM?? Nakuu, simple lang ang rules, kelangan mo lang hulaan yung ipapahawak sayo habang naka piring ang mga mata mo. Kelangan pa ngang manghatak ng players ni AJ para may mag-laro. No one dared to play, dios mio... kung anu-ano naman kasing pinapahawak niya. Haha. Yung iba, syempre double meaning... may halong kalaswaan. Hahaha.

Kaso lang, minsan talaga ang hirap ee WALA KA NA NGANG GINAGAWA, IKAW PA DIN ANG NAKIKITA. In other words?? Ako ang nahatak ni AJ para mag-laro.

“T-teka lang...” I tried to protest, pero kahit naman lalamya-lamya yang si AJ, di hamak na malakas pa din ang mga galamay niyang taglay!! Haha. “Siguradun mong cash price ang premyo ko dito aa?”

“Muka ka talagang salapi Eleonor!!” Joke ni AJ. “Pero sisiguraduhin ko sayong higit pa sa cash price ang makukuha mo!! Hahahahaaha...”

Kinabahan ako. “Lechugas ka AJ, umayos ka!!” But I was already blind folded. Hiyawan mga Tito’t tita ko, naririnig kong nagsisigawan pati sila Em, Agnes, Mae... Kahit nga si Kuya Andrew ee nakiki-sigaw. Samo’t sariling joke at banat, kanya-kanyang tawa.

“Oh, jan ka lang madam.” AJ instructed. Kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko ang malaking ngiti niya. “Lika, dali! Dali!!” I heard him hissing as if asking someone to come forward.

I aimlessly reached forward and my hands brushed against something... well, something hard? No, soft. WAHAHAHA. Definitely HARD!! Uyyy, iba na iniisip niyo aaah!! Hahaha. Pero infairness napakagat labi tuloy ako. Alam ko kagad na tao ang nasa harap ko. I was touching someone’s CHEST, muscular... matikas, matipuno... hmmm... napaka easy naman nito!!

Non-stop ang hiyawan at sigawan. “OH DIBAAHH?? BONGGA!!!” AJ was shouting. “Oh sino sa tingin mo ang nasa harap mo ngayon?”

I blushed furiously. Dios mio, ee sino pa nga ba?? E di walang iba kung hindi si Miguel Josef Uy Monteverde. Kilala ko na pero... pwedeng pa-explore pa??? Hahahaha.

Na-imagine ko yung itsura ni Sef nung naglaro siya ng football with Nico sa Matute. Remember, he removed his shirt?? Na-imagine ko kagad yung oh-so-hot na body ni Sef. :wub: Ito namang si AJ oh, hindi pa nilubos-lubos... sana naman pinatanggal na niya yung shirt ngayon ni Sef!!! Aawwww. Hahaha.

“Nawili ka teh? Nawili?” Biglang comment ni AJ. Baklang toh talaga!! Kainis!! “Dika pa nakuntento? Dito mo hawakan oh.” AJ grabbed my hand away from Sef’s chest at nilagay sa muka niya. OWKEY!!! SHEET ELLIE!! MALIGAYANG PASKO TALAGA SAYOOOOO!!! Wahahahaha... “Oh, teka, teka...” Biglang pigil ni AJ. “KISS. KISS KA MUNA SA CHEEKS!! DALI!! HABANG WALA ANG TATAY!!”

“Sa-sandali.” I protested, pero natabunan ng boses ko ang malakas na tawanan ng mga kamag-anak ko. Ki-kiss ako ni Sef?? Wala na, nag drum na ulit ng mabilis ang puso ko. WAHAHAHA. Kunwari ka pang aayaw aa??

“KISS MO NAAA!!” Pilit ni AJ kay Sef. “BILIS!!!”

It took almost a minute... I sensed that he must be hesitating. Sa harap ba naman ng buong angkan ko dibaaa??

“KISS!! KISS!!” My cousins chanted. Parang gusto ko nga din sumabay at sabihing, “Oo nga, kiss na, kiss na!!” Wahahahaha. Lechugas ka Ellie. Taking advantage?? Aba, hindi pwedeng humindi si Sef nuh. Di siya makakaalis ng buhay dito pag wala ang kiss ko!!

Ang weird pala kapag wala kang nakikita at nakikiramdam ka lang ano? Nagulat na lang ako when a soft pair of lips touched against my cheek.

Nakalimutan kong huminga ee... pero syempre hindi ko na pinahalata as I excitedly removed my blind fold, sabay sabi ng hula kong name, “S-sef?”

But the moment na natanggal ko na yung blind fold... I was suddenly disoriented... parang bigla akong nalito... naguluhan... parang isang malaking ACCOUNTING problem ang nasa harap ko ngayon... because the person I thought was Sef... ee si Darren Max Sanchez pala!!!

HUWAT THE MADAPAKING HELL????

To be continued.