Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 39-3. Asaran Blues.

For once in Sef’s life he was bathing with the feeling of defeat. And he has to admit, ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Sheet. This is preposterous!! This is beyond his wildest imagination!! Defeat? C’mon, wala yun sa bokabularyo ng isang Monteverde... He always gets what he wants!! Girls? Ha, name it. Kahit kelan hindi siya namoblema jan... but then again, si Max... siya ang Mr. M sa buhay ni Ellie. How can he compete to that? Kay Em-Em na nga nanggaling kanina. Wala siyang pag-asa.

Wait. Sandali. Sandali... bakit parang may mali?? Did he just think na wala siyang pag-asa?? WHAT THE HELL... He sounded as if meron siyang balak manligaw!! Haha. Not a chance!! Hindi pwedeng isang hamak na CLOWN lang ang ipapalit niya kay Lianne! And besides, siguradong pagtatawanan lang siya nila Paul, nila Jerry, nila Ivan... And he wouldn’t dream of becoming like his brother. Ganito din ang issue nun. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay niya just because of Ellie.

Parang wrong move pa tuloy ang pag-oo niya sa offer ni Mrs. Dimaculangan. Nawala agad yung ngiti na kanina pa naka-paste sa muka niya. Nawala yung feeling ng enjoyment, ng FUN... all lost their meaning dahil lang sa eksena na yun.

He shouldn’t be feeling this way. This is a sheet thing!!

Pero hindi napansin ni Sef, he was still looking at Ellie habang nakikipag usap ang dalaga kay Max. Nakatingin pa din siya ng umakbay si Max kay Ellie, who has the funny look yung kapag nagtatampo siya.

Then out of the blue, biglang napagitnaan si Sef ng Tito Dan ni Ellie and her father. Inabutan siya ng beer ni Tito Dan. He’s a small, fat middle aged man. Kung tatanungin mo nga si Sef, para sa kanya mukang Pinoy version na Santa Claus ang Tito Dan ni Ellie. He’s huggable and a very funny man. Buo ang tawa nito and he was always smiling. Merong bigote, at syempre malaking tiyan.

Ellie’s dad on the other hand was rather tall in built and he seemed kind. Oo, yung mukang mabait na palabiro din. But whenever Sef was around, nararamdaman niyang nagiiba aura ng daddy ni Ellie. Like he was ready to jump him at kainin ang laman loob niya. Comparing Ellie from her mom & dad, mas kamuka talaga ng dalaga ang ama. Mula sa ilong, sa kutis, sa mata kuhang-kuha talaga ni Ellie.

“Oh, libre lang ang tingin iho." Sabi ng tatay ni Ellie kay Sef. “Basta siguraduhin mo, hanggang tingin lang.”

Biglang kinabahan si Sef. “Ah, hehe.” He laughed weakly at napainom na lang sa bote ng beer na kaaabot lang sakanya. Ee muka namang dun lang talaga siya mauuwi ee, sa tingin lang.

“May gusto ka sa pamangkin ko ano?" Bigla namang tanong ng Tito ni Ellie. Pero hindi na niya hinintay na sumagot pa si Sef. “Nag-binata din kami, hindi ka naman magaaksaya ng oras dito kung wala ee.”

Parang merong bala na tumagos sa dibdib ni Sef sa pagkakasabing yun ni Tito Dan. Swak na swak ee.

“Manliligaw ka sa anak ko?” It was a dangerous voice. Yung tipong walang bahid na joke. Napalunok si Sef. Hindi siya sure kung anong dapat niyang isagot. It was as if the wrong answer would cost him his life.

Buti na nga lang biglang lumapit si Ellie sakanila.“Sef!” Tawag nito, pulling him away from the two aged-man. “Tara, meron pa daw games.” Hindi napansin ni Sef but Ellie threw angry stares to her dad and uncle. Yung tingin na tipong, Kayo naman, wag niyo namang takutin!!

------------------------------------------------------------

Eleonor Malicsi Dimaculangan

The moment I saw Max in front of me, bigla talaga ko nainis! SUS. The nerve na magpakita oh!! Matapos niya kong iwan kagabi?? Tss. Unforgivable. Tapos yung kiss pa ni Sef... andun na ee... akala ko si Sef na ee... yun na yun oh... tas naging bato pa!! Hmp. Kahit ba niregaluhan niya ko ng pick na may pangalan ko, hindi ko pa din siya mapapatawad. Rrrr...

“Sabi ni Borge siya daw maguuwi sayo.” Max said nung tinalikuran ko na siya. “Then she called me na sakanila ka na lang daw natulog.” He explained. “Sinabi ko naman agad kay Tita’t Tito ee.”

Aah. Kaya pala hindi ako pinagalitan nila papa... animales!! AT SI BORGE PALA ANG MAY KAGAGAWAN NG LAHAT!! Punyemas, humanda sakin ang babaeng yun!! GGGRRRRRrr...

“Ah basta, iniwan mo pa din ako!!” I said, sounding like a child as usual. Haha. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Pero minsan kasi, nakakatuwa talagang magpalambing jan kay Max. Hahaha. As expected, umakbay na sakin ang loko. At gigil na pinipisil ang ilong ko. “Sus, tampururut ka naman jan. Pango ka naman!!”

“PAKYUU! Hahaha.” I tried to free myself from him. Sira ulo talaga toh!!

“Ahy,” Biglang pasok ni AJ. “Ako din Max pango!! Yung akin na lang ganyanin mo oh!!”

Biglang nawala ngiti ni Max and he glared at AJ. Yung pa-joke na tingin. “Wag na, mahawa pa ko. Haha.”

And they went to their usual conversation, but I was no longer paying attention kasi bigla kong nakita si Sef. He was sandwiched between my dad and my Tito Dan.

Napansin kong kabado yung itsura niya kaya syempre to the rescue naman ako!! Baka kung anu-ano nanaman sinasabi nila kay Sef. Kawawa naman boypren ko. Hahahaha. I walked towards them, “Sef! Tara, meron pa daw games.” I pulled him by the arm habang binigyan ko ng eye signal sila Papa at Tito Dan, MAG-BEHAVE NAMAN KAYO!!

All throughout the night, hindi ko na ulit nakitang nag-smile si Sef. Parang bigla siyang nawalan ng energy. Naka-upo na lang siya habang nagkakatuwaan kami nila Max. Alam kong hindi sila in good terms ni Max pero... hindi kaya naiilang siya kay Max?? Yeah, malaki possibility. Nagsapakan ba naman sila sa labas ng EK nun diba? Or maybe pagod lang talaga siya. O kea, dahil merong nasabi sila Papa’t Tito Dan??

Patingin-tingin na si Sef sa phone niya. Parang ngayon ko nga lang siya nakitang hinawakan yung phone niya ee. Parang gusto kong hablutin yung phone niya at itapon yun. Nakakainis!! Napaka topakin talaga ng lalaking toh!! Ang hirap-hirap niyang intindihin!!

A minute or so, biglang lumapit sakin si Sef. “Ellie,” He said. Not a smile. Kahit yung mapang-asar niyang tingin wala ee. “I need my car keys.”

Parang biglang bumigat yung dibdib ko. Parang bigla akong nalungkot. “Aalis ka na?” I hated myself for saying that!! Did I sound too hopeful na tipong sana wag muna?? SHEET KA ELLIE!! Ano bang nangyayari sayooo?? Hayaan mo siyang umalis! Anong petsa na oh!! Mabuti nga yun, wala ka ng BUWISITA!!

Eeee... pero aalis na siya wala man lang akong KISS?? Hahaha. TONGEKS KA TALGA!! AMP!!

“I-ibig kong sabihin, uuwi ka na?” Agad kong ni-revise yung tono ng boses ko. “Sandali, ipagbabalot--”

But I was too late. Kasi nahalata na ni Sef. “Ayaw mo pa kong umalis?” A small smile was slowly tugging in the corner of his lips. But it wasn’t the usual wide smile he always gives me.

AYOKO MANG AMININ PERO... I LOVE IT WHENEVER HE’S SMILING!! GGGAAAAAAAHH!! Hindi ako makapaniwalang sinabi ko toh!! Punyemas!! ELLIE!! ANO BANG NANGYAYARI SAYOOOO??? DIOS KO!!

Lord, wag naman kayo mag-joke ng ganito!!

I was now blushing and was avoiding his gaze. “Hindi pa ko aalis.” Sef said ng hindi na ko nakasagot sakanya. [color="#0000FF"]“I was just going to check my car kung na-lock natin kanina. Medyo dumidilim na din kasi.”

I nodded. Wala akong nasabi as I handed him his car keys. Sheet, ayokong isipin na may hidden agenda ako kung bakit ko kinuha sakanya yung susi ng kotse niya... parang... para bang... ayoko siyang paalisin??? WHAT THE... LECHUGAS KA ELLIE!! LECHUGAS KA TALAGA!!!

STOP NA, PLEASE!! ITIGIL MO NA YAN ELLIE!! YOU HAVE TO STOP IT ASAP!!!

Pumasok agad ako sa loob ng bahay... kelangan ko ng tubig!! Kelangan ko ng isang galong TUBIG!! Kaso lang bigla akong napatigil, para kasing may nagaganap na pagpupulong sa may kusina.

“Mukang anak mayaman.” Narinig ko yung boses ni Tita Grace.

“Oo nga ee. Gwapo. Mabango. Makinis.” Sabi naman ni Tita Lory. “Mabait pa. Pasado saken.”

“Ang tanong, pasado ba sa mga magulang?” Boses ni Ate Karla.

“Duda pa din ako.” Narinig ko boses ni Papa.

“Sabi ko nga dito na siya matulog ee.” Sagot naman ni Mama. Hindi ko napigilan sarili ko ee, nanlaki mga mata ko at para kong kabuting biglang nag-appear sa harap nilang lahat.

At ang masaya dun, sabay na sabay kaming nag-react ng papa ko. “ANO?!”

“Ma,” I whined nervously. My heart was already dancing sa beat ng I Gotta A Feeling ng Black Eyes Peas. Punyemas!! Haha. “Bakit mo ginawa yun?” Even though deep down, nagpaparty na ko... yung reaksyon ko ee sobrang panic!!

“Ohohohoho... Kelangan ba lagi may dahilan?” Toinks. Linya ko yan ee... sheet, nanay ko nga talaga siya!! MAY GAAAAAAD!!

[color="#4169E1"]“Ma,” Biglang nag-emerge si Em-Em sa likuran ko, may dala-dalang malalaking unan. Halatang kapapalit lang ng pillow case ee. [color="#4169E1"]“Ito na yung mga pinapakuha mo.”

NAPANGANGA AKO. Kulang na lang mahulog panga ko sa lapag!!! GAAAAAAH!! ANO NANAMAN BA TOH?? FEELING KO HINDI NA TUBIG ANG KELANGAN KO EE... PARANG MAS OKAY KUNG VODKA NA LANG!! AMPFUFU!!

Pagbalik ko sa labas kakausapin ko sana si Sef. Nagsisimula ng maglinis ang mga pinsan ko. Start ng mag-pack up... nakita ko si Sef tumutulong magbuhat ng isang lamesa. Papalapit na sana ko sakanya pero hinarang ako ni Ate Karla at inabot sakin yung phone ko. “Oy, ano pa ba saysay ng cellphone mo?” She said. “Buksan mo naman. 320 new messages na o!! Chaka kanina pa may tumatawag sayo.”

I sighed. And as if meron akong ibang choice? I opened my inbox at isang katutak na Christmas greetings ang laman mula syempre kela Borge, Japo, Jill, Meg, sa mga professors & ibang classmates ko sa MUP, sa highschool, sa elem pati nga ata nung nursery ako... syempre pati mga relatives kong Dimaculangan. Tapos meron ngang tumawag sakin, halos 12 missed calls from Borge at Japo at isang unknown number. Sino naman kaya toh? But before I could even waste time thinking who it was...

“Oh, Sef, halika! Halika!” My mom came out gesturing Sef na pumasok sa loob ng bahay. Sef quickly followed. “Pinaayos ko na yung kwarto ni Eddy. Dun ka matutulog aa?”

OW SHEET!! Agad akong sumunod sa loob.

“Ano?!” Agad nag-react ang papa ko, he placed a hand on my mom’s shoulder as if giving her a signal. “Ma, diyan mo na lang siya patulugin.” My dad was smiling; pero halatang may hidden message sa ngiti niya. Tinuro niya yung sofa namin sa salas. “Okay lang naman siguro sayo diba noh, iho?”

I saw the fear on Sef’s face. Yung parang wala na siyang choice kung hindi tumango. “Uh, s-sure no problem sir. Okay lang ako dito.” Sef was eyeing the sofa. Obviously, maliit yung para sa height niya. Malaking tao si Sef, at hindi siya kakasya sa ganyang kailit na sofa!!

WWWWAAAAAAAHHHHHHHHH!!! T-teka lang... pwede naman sa kwarto ko diba?? Gusto ko sanang sabihin ee. Kaso lang, I know my dad to well para icontradict ko siya. Baka tuluyan akong mapalayas.

My mom forced a smile. Halatang napilitan na lang din siya. “Ah, pasensya ka na iho. Okay ka naman jan diba?”

PAPANONG MAGIGING OKAY??? KAHIT AKO AYOKONG NATUTULOG DIYAN EE!! But Sef nodded. OH GOD, PLEASE TELL ME HINDI NANGYAYARI TOH!! WWWAAAAAH!!

OH C’MON!!! GISINGIN NIYO NGA AKO SA MASAMANG BANGUNGOT NA TOH!! WALA NA KONG NAGAWA EE... WALA NA KONG NASABI... I WAS JUST WATCHING THINGS AS THEY UNFOLD BEFORE ME!!

SHEET TALAGA!!

“Good, good.” Nasabi ni Papa. When suddenly, biglang nag-ring yung phone ni Sef. “Uh, if you’ll excuse me.” Lumabas si Sef para sagutin yung phone niya.

“Pa naman.” I whined. Try ko sanang baguhin isip niya. Na sa kwarto na lang ni Eddy niya patulugin si Sef. But they just turned their backs on me. “Tumulong ka na sa paglilinis sa labas, Ellie.” Sabi ni Papa. At wala na kong nagawa kung hindi sumunod. Ganyan ang papa ko, batas ang bawat salita niya. Haiiii... Kawawa naman si Sef mamaya. Pauwiin ko na nga lang siya para naman hindi siya mahirapan sa pagtulog. Hindi naman niya kelangan ipagsiksikan ang sarili niya sa sofa na yun ee. Nakita ko si Sef nakatayo sa may gilid. I was just approaching him when napatigil ako bago pa ko tuluyang makalapit sakanya.

“Hello.” Narinig ko yung boses ni Sef. Meron pa din siyang kausap sa phone. And boy, I’ve never seen him this serious. His eyes looked quite distant as if he was in a silent struggle between hurt and longing. I saw him opened his lips as if to utter a reply but he didn’t. Parang pinigil niya yung gusto niyang sabihihn. He was silent for a minute and the phone was still pressed against his ear. Parang nakikinig lang siya. “Merry Christmas to you too, Lianne.” I wasn’t sure but there was something in the way he said her name... his voice was soft, gentle. And I never knew a name could sound so sweet.

Napatigil ako sa kinakatayuan ko. And I wasn’t aware that I was already staring at him. Si Lianne kausap niya... kaya pala parang... nag-iba yung aura ni Sef. It was amazing. Really. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Lianne huh. Bigla kong naalala yung kwento ni Yaya Kusing tungkol sa kanya. Siya yung, first at ang natatanging naging girlfriend ni Sef... and they lasted for... two years ata. And two years na din silang WALA hindi ba? So, BAKIT MAGKAUSAP SILA NGAYON?? Ellie, affected much?? Tae naman kasi diba?? Bakit pa naimbento ang cellphone?? NAKAKAINIS!!

Sef then caught my eyes. Nagkatinginan kami and I tried to remain calm as I simply forced myself to give him a smile. Oo, nginitian ko siya!! PUNYEMAS!! ANONG KATANGAHAN YUN ELLIE?? Ee ano dapat kong gawin? SUNUGIN KO CELLPHONE NIYA?? Oo kaya. MAS MADALI YUN NUH!!

And with that smile, I tactfully avoided his gaze. “Yeah, well...” Sef sighed at nararamdaman kong nakatingin pa din siya sakin. “I--” Hindi natuloy ni Sef yung gusto niyang sabihin. It was as if he was hesitating. “Glad to hear that.” With that, binaba ni Sef yung phone niya at agad siyang lumapit sakin.

TAE KA ELLIE!! Bakit ganito?? Parang kinukurot yung dibdib ko?? Mas matindi pa kesa dun sa mga naging eksena ni Bea sa EK, mas matindi kesa nung kiniss ni Bea si Sef sa harap ko... Sheet ka Ellie. Wala ka namang karapatang makaramdam ng ganyan!! Umayos ka nga!! This is a democratic country, merong karapatan si Sef na kausapin ang sino mang gusto niyang kausapin!! Wag kang mag-feeling!! PUNYEMAS!! BUWISIT TLAGA YANG SI SEF EE!!

“Ellie.” He called.

“Hm?” I answered ng hindi siya tinitignan. Patuloy lang ako sa pagliligpit ng lamesa. Pack-up na kasi kami. Naglilinis-linis na din yung iba. Si Ate Karla nagwawalis na. Yung ibang pinsan ko, pati si Max inaayos na yung mga lamesa’t upuan.

“Ellie.” He repeated hanggang sa napatingin na ko sa kanya. “Ano ba yun?” I asked irritably. He looked hesitant. “P-pwede bang maki-charge?”

Uminit lalo ulo ko. So, makiki-charge siya para makausap ulit si Lianne? Haha. IN YOUR DREAMS SEF. IN YOUR DREAMS!! “Hindi pwede!!” I told him angrily. “Wala kaming saksakan atchaka mahal, sayang lang sa kuryente!!”

HUWAW. Very good!! Dapat meron akong standing ovation ee!! Biruin niyong nasabi ko yun kay Sef?? TAE KA ELLIE, HINDI OBVIOUS NA NAGSESELOS KAAAAAA!! ANAKSHUTANG ANIMALES!!! Ampf!!

AAAAH. BASTAAA!! HINDI PWEDE!!! BUWAHAHAHAHAHA. I CHANGED MY MIND, BAHALA SIYA, MAGDUSA SIYA SA PAGTULOG SA SOFA MAMAYA!!

To be continued.